^

PSN Showbiz

Ruffa, tinuluyan na ang pakikipaghiwalay sa dyowa

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Ruffa, tinuluyan na ang pakikipaghiwalay sa dyowa
Ruffa
STAR/ File

Happy, Happy New Year!

Wow, Ateng Salve, 2021 na nga at na-survive natin ang 2020, huh!

Siyempre, tuluy-tuloy pa rin ang tsikahan natin for this New Year.

Naku, naniniwala na nga ako na wala na talaga si Ruffa Gutierrez at ang boyfriend niyang si Jordan Mouyal, ‘noh?! Kahapon kasi habang ka-chat ko si Ruffa sa pamamagitan ng WhatsApp app, ang pa-New Year’s eve dinner sa bahay niya ang topic namin.

Nang ka-chat ko kasi si Sa­rah Lahbati noong isang araw, ikinuwento ng misis ni Ri­chard Gutierrez na sa bahay ni Ruffa nila sasalubungin ang 2021. Kasama raw nila ang mga anak na sina Zion at Kai, pati ang nanay niyang si Esther Lahbati.

So, kahapon nga, tinanong ko si Ruffa kung sa bahay rin ba niya magnu-New Year ang parents niyang sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama at ang sagot niya, “Where else?! Saan naman sila pupunta?”

Hahaha! ‘Kaloka rin ang reaction ni Ruffa. Pero since naroroon din si Bisaya kagabi, sure na sure ako na wala na nga si Jordan, huh! Eh, hindi ko na nga lang sinasabi kay Ruffa na sa “imbestigasyon” ng nanay niya, nalaman ni Bisaya na hindi na nga nagpupunta sa bahay ng aktres si Jordan.

So, parang gusto ko na ngang maniwala na like 2020, lumipas na rin si Jordan sa buhay ni Ruffa, huh!

Anyway, ngayong 2021, by second week of January, balik-lock-in taping ng Stay In Love ng TV5 si Ruffa. Bale second cycle raw nila ‘yon at excited siya to go back to work.

Sanya, bongga agad ang 2021

Speaking of lock-in taping, sa January 14 naman ang pull-out ng second cycle ng lock-in taping naman ng First Yaya ng GMA 7.

Bale sa La Union daw ang location and may swab test sila days before that at January 15 ang first taping day uli nina Gabby Concepcion, Sanya Lopez at ng iba pang cast.

Aabutin daw sila hanggang first week of February.

Hindi lang ako sure kung after that ay may third cycle pa ang lock-in taping nila. Pero ang bongga lang ni Sanya this 2021, Ateng Salve, dahil dalawa agad ang shows niya sa Kapuso network dahil leading lady naman siya ni Senator Bong Revilla sa Agimat ng Agila na tapos nang kunan ang first season sa may Antipolo at Tanay Rizal.

Aktor, biglang naging open sa karelasyon

Dahil nagpalit na ng manager si aktor, very open na siya tungkol sa relasyon nila ng isang aktres.

Nang tanungin siya kung nasaan ang girlfriend na kasama rin niya sa isang pelikulang ipino-promote, nagsabi siya na nasa puso lang niya si aktres. How sweet! ‘Yun na!

vuukle comment

SALVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with