^

PSN Showbiz

Aktres na retokada at laging late, naghahanap ng bagong manager

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon

Nakahanap na kaya ng bagong manager ang isang aktres na nagpalipat-lipat hindi lang sa iba’t ibang managers kundi sa iba’t ibang TV networks na rin?

May isang talent manager akong nakatsikahan at isa sa mga alaga niya ang nagsabi sa kanya na naghahanap nga ng bagong manager si aktres at parang type mag-apply sa kanya bilang talent.

Pero mukhang kinakabahan si talent manager kung tatanggapin niya si aktres dahil may tsika ngang palagi itong nali-late.

Ang problema pa kay aktres, late na nga sa commitment, hindi pa nagre-reply sa kanyang handler, kaya hindi tuloy alam kung ano ang nangyayari sa kanya.

Kuwento nga ng isang talent coordinator, ilang beses na raw nilang kinuhang mag-guest si aktres sa kanilang noontime show at ilang beses na rin itong na-late, huh!

Minsan daw, sa opening part ng show isasalang si aktres, pero late na-late siya. Ni hindi raw niya sinasagot ang tawag ng kanyang handler.

Dumating naman daw si aktres sa studio, pero sa irita ng mga taga-production at sobrang na-stress sila kung makakahabol ba si aktres sa production number niya, hindi na siya isinalang pa. Pinakanta na lang nila ang isa sa hosts ng show.

Wala namang magawa si aktres dahil kasalanan nga niya at palagi siyang late.

Eh, iniwan na rin ni aktres ang talent agency na ‘yon, kaya ang dating handler niya, imbes na ma-sad, sobrang natuwa. “Nag-celebrate talaga ako. Hindi biro ‘yung ako ang naiipit sa mga taga-production dahil palagi siyang late. Hindi ko kaya ang stress na dulot niya!” sey ni da­ting handler ni aktres.

Pero baka naman kaya palaging nali-late si aktres sa kanyang mga commitment dahil nagiging makakalimutin siya sa dami ng anesthesia na naiturok sa kanya dahil kilala rin naman siya sa pagpaparetoke, huh!

Well, what can you say, Ateng Salve? Bow ka na lang? Hehehe.

Pelikula ng MayWard, minamadali para sa 2021

Mukhang isasalang kaagad ng Star Cinema ang pelikulang Princess Dayareese na pinagbibidahan ni Maymay Entrata sa pagpasok ng 2021.

Si Snooky Serna kasi na may special participation sa pelikula, may dubbing na sa Friday. Nang maka-text ko kasi si Snooky kahapon, tinanong ko siya kung puwede na kaming magkita this Friday, sabi niya, baka raw, after ng dubbing niya para sa pelikula nina Maymay at Edward Barber.

Oo nga pala, Ateng Salve, masaya ang MayWard fans dahil patuloy pa rin naman ang team-up ng kanilang mga idolo. Kung matatandaan, nagkaroon ng intriga early this year sa dalawa.

Pero bagay naman kasi talaga sila (kahit may sinasabing ibang babae raw si Edward), kaya sila pa rin ang magka-partner, huh!

Anyway, dual role si Maymay sa nasabing pelikula at ‘yung Daya yata ay pangalan ng poor character niya at ang Reese ay name no’ng princess talaga. Bongga!

Anyway, going back to Snooky, sabi niya sa akin, kung sakaling magkikita nga kami after her dubbing, doon daw kami sa may outside seating para mas safe. Hindi pa rin kasi comfortable si Snooky na maglalabas-labas dahil pa rin sa COVID-19 pandemic, huh!

Pero tama lang naman, better safe than sorry! ‘Yun na!

 

vuukle comment

ACTRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with