^

PSN Showbiz

Richard at Sarah, itinuloy ang honeymoon

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Richard at Sarah, itinuloy ang honeymoon
Sarah at Richard
STAR/ File

Nasa The Farm at San Benito (Batangas) ang mag-asawang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.  Wednesday sila dumating doon at bukas sila babalik ng Manila.

Biniro ko si Sarah habang ka-chat ko kahapon. “Sulat ko na honeymoon n’yo ni Chard ‘yan!” sabi ko.

Pero parang ganoon na nga ‘yon dahil hindi naman sila nakapag-honeymoon talaga after ng kanilang
civil wedding noong March 14.

Dapat kasi ay pupunta sila ng Boracay, pero dahil nag-lockdown nga sa COVID-19 pandemic ay hindi na natuloy ‘yon.  Sabi ni Sarah, “Bale 4 days, 3 night kami dito.”

Noong Monday ay nagpunta rin doon si Ruffa Gutierrez kasama ang dog niyang si Nala. “Yes, naabutan pa namin si Ate Ruffa. Nagkita pa kami kahapon bago siya umuwi,” sey ni Sarah.

Nakita rin ba nila si KC Concepcion na noon pang Friday nandoroon?

Ang alam ko, hanggang today si KC sa lugar na ‘yon.

“Yes, we saw her yesterday. Nagka-usap kami,” sagot ni Sarah.

Mukhang sasamantalahin ng mag-asawa ang bakasyon nilang ‘yon sa The Farm  dahil very soon ay babalik na si Richard sa taping ng FPJ’s Ang Probinsyano kung saan ay kailangang mag-lock-in na naman ang aktor.

Samantala, maraming mga taga-showbiz ang favorite ang The Farm at San Benito.

Naku, Ateng Salve, ang tagal na pala no’ng last time na nagpunta tayo doon with businesswoman/philanthropist Pinky Tobiano, Manay Lolit Solis and some friends, huh!

Kapamilya actor nahiyang mag-guest sa ibang network

May isang talent manager akong nakatsikahan.

Tinanong ko siya kung kinukuha rin ba sa TV5 ang isa sa mga talent niya na nakakontrata sa ABS-CBN?

Wala raw.

Pero gine-guest daw ang isang talent niyang aktor para sa Rise and Shine morning show nina Pokwang, Ria Atayde at Pauleen Luna.

“So, magge-guest si _____ (pangalan ng aktor)?” tanong ko.

“Hindi siya pumayag. Nahihiya siya na mag-guest kaagad sa ibang TV network.

“Siguro in the future, puwede naman,” sabi ni talent manager.

Samantala, may nagtsika sa akin na “on hold” muna ang kontrata ng ibang mga artista ng Kapamilya network.

Kung sakali naman daw na may offer na lumabas sa ibang TV networks, ok lang naman daw basta ang sabi raw sa kanila ay, “Magpaalam lang daw. Magpasabi, wala naman yatang problema.”

Well, tama lang naman na huwag gulatin ng ibang Kapamilya stars ang big bosses ng ABS-CBN na basta na lang silang makikitang nagge-guest sa iba, mas maganda pa rin naman na magpaalam sila.

For sure, hindi naman sila basta pipigilan kung wala rin namang maibibigay na show sa kanila dahil kailangan din naman nilang kumita, huh!

Right, Ateng Salve?! ‘Yun na!

vuukle comment

HONEYMOON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with