Claudine kinakampanya ang pag-aampon

Kinarir na nga ni Claudine Barretto ang pag-aampon.
Kahapon ay binigyan siya ng certificate ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa celebration ng kanilang Adaptation Consciousness Week.
“Thank u po DSWD for this Certificate & all the years you all Mentored me. I grew to be a better Adoptive Parent bcoz of you. Godbless po @dswd,” post ni Claudine habang hawak ang certificate.
Kasama niya sa nasabing media forum ang adapted daughter na si Sabina. Present din si LJ Moreno na nauna nang nag-adopt bago pa man sila magkaanak ng asawang si Jimmy Alapag.
‘Pagmamahal Palaganapin, Legal na Pag-aampon Ating Gawin’ ang kampanya ng DSWD na tinutulungang i-promote ni Claudine.
Bukod kina Claudine and LJ, common knowledge sa showbiz na may ampon sina Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo, si Yohan.
Kabilang din ang nasirang Comedy King na si Dolphy sa may ampon, Nora Aunor, maging ang nasirang Action King Fernando Poe Jr.
Meron din si Sharon Cuneta and Sen. Kiko Pangilinan, Oyo and Kristine Sotto bago pa man sila nagkaanak.
Pero siyempre pinaka-maraming ampon si Angelina Jolie.
Anyway, may plano pa kayang magdagdag si Claudine ng ampon?
To date ay may tatlo siyang additional na ‘anak’ - Sabina, Quia and Noah.
Wala pang update kung anong nangyari sa comeback movie ni Claudine with Piolo Pascual.
- Latest





















