^

PSN Showbiz

Julia nagpakilig sa birthday ni Coco

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Julia nagpakilig sa birthday ni Coco
Julia at Coco

MANILA, Philippines — Dagsa ang bumati ng happy birthday kahapon kay Coco Martin. Thirty nine years na si Coco.

Pero may kilig sa HBD message ni Julia Montes sa Ang Probinsyano actor.

Common knowledge na issue sa showbiz ang diumano’y panganganak ni Julia ng baby na ang ama nga raw ay si Coco sa isang hospital sa San Juan.

Though ginagawa naman dati pa ito ni Julia kaya nga hindi nawawalan ng pag-asa ang kanilang fans na sila nga  kahit sinasabing sina Coco at Yassi Pressman naman.

Recently lang ay nakita sa supermarket ang actress na more than a year na ring inactive sa career.

Classic films ipalalabas din C1 Originals

Dalawang mahalagang pelikulang Pilipino na gawa ng LVN Pictures – ang Malvarosa at Biyaya ng Lupa – ang nai-restore ng ABS-CBN gamit ang sarili nitong pasilidad sa unang pagkakataon mula nang itatag ang ABS-CBN Film Restoration at ABS-CBN Film Archives.

Ang Malvarosa ay kwento ng isang naghihirap na pamilya na humarap sa sunod-sunod na mga pagsubok. Pinagbidahan ito ng mga legendary na artista sa pangunguna nina Charito Solis, Leroy Salvador, Vic Silayan, Carlos Padilla, Jr., Vic Diaz, Rey Ruiz, Eddie Rodriguez, at Rebecca del Rio, na nanalong Best Actress sa 5th Asian Film Festival.

Ang Biyaya ng Lupa naman ay isang family drama na pinagbidahan nina Tony Santos, Sr. at Rosa Rosal bilang ang mag-asawang sina Jose at Maria. Nasira ang kanilang masayang pagsasamahan nang dumating sa buhay nila si Bruno (Joseph de Cordova). Sinisisi ni Bruno si Jose sa sunod-sunod nitong kamalasan kaya’t determinado itong sirain ang buong pamilya ng una. Nanguna sa cast ng pelikula sina Leroy Salvador, Carlos Padilla, Jr., Marita Zobel, at Danilo Jurado bilang mga anak nina Jose at Maria na sina Miguel, Arturo, Angelita, at Lito. Nanalo si Salvador bilang Best Actor sa Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) at Best Supporting Actor sa Asian Film Festival, habang ang pelikula ay nanomina bilang Best Picture sa Berlin International Film Festival at FAMAS noong 1960.

Ang Malvarosa at Biyaya ng Lupa ay nilinis o digitally scanned sa 4k resolution at partially restored gamit ang equipment ng ABS-CBN Film Archives.

Inayos rin ng ABS-CBN Film Archives ang Liwanag at contrast nito, tinaggal ang mga nakitang gasgas, at nilinis ang dumi ng tunog.

Karamihan sa mga pelikulang nasa archives nila ay nilinis sa tulong ng Central Digital Lab sa Makati, Il Imagine Ritrovata sa Hongkong at Italy, at Kantana Post Production sa Thailand.

Sa darating na C1 Originals Festival, kabilang ang restored films na Misteryo sa Tuwa at Bulaklak sa City Jail, na magkakaroon ng premiere sa November 11.

Samantala, ilan sa mga restrored classics na kabilang rin sa nasabing festival ay ang Hihintayin Kita Sa Langit, Minsa’y Isang Gamu-Gamo, Saan Ka Man Naroroon, Tisoy!, Mga Bilanggong Birhen, Bad Bananas sa Puting Tabing, at  Nunal Sa Tubig.

Suwerte ng mga pelikulang naisalba at na-restore.

 

 

 

 

vuukle comment

JULIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with