^

PSN Showbiz

Barretto sisters bumida sa Halloween party

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Barretto sisters bumida sa Halloween party
Gretchen

Active na active ang mga artista sa pagdalo sa mga Halloween party noong October 31 dahil talagang nag-effort sila para bongga ang kanilang mga costume.

Ang mga Eat Bulaga host, kinarir ang Halloween episode nila noong Huwebes, lalo na si Maine Mendoza na scary talaga ang costume at ang prosthetics.

Nakakaloka lang ang balita na ‘yung ibang mga tao, dumalo sa Halloween party as Barretto sisters dahil mainit na mainit pa ang isyu ng pagbabangayan nina Gretchen, Marjorie at Claudine.

Kakaiba talaga ang imagination ng mga Pinoy na naisip pa na papasa na  pang-Halloween ang scary at pinagpistahan na sabunutan at talakan ng Barretto sisters sa burol ng kanilang ama.

LT iniintriga

Hindi ko akalain na magiging issue ang picture ni Lorna Tolentino sa isang clinic na nasa probinsya.

Uminit ang ulo ko dahil maayos naman ang usapan ng endorsement ni Lorna sa Flawless at Beautederm.

Kung hindi nga lang ilusyonada ako at tuwang-tuwa na bongga dahil may isyu si Lorna sa dalawang top beauty clinic at beauty products.

Family na ni Lorna ang Flawless dahil matagal na siya na endorser at in fairness, mabait si Rubby Coyuito sa kanya.

Sobra naman ang importansiya na ibinibigay ni Rhea Tan ng Beaute­derm kay LT kaya in such a short time, na­ging sobrang close sila.

Walang problema dahil ang Beautederm more on products, ang Flawless more on service kaya naging patunay na sobra ngayon ang lakas ng dating ni Rhea dahil parang scared na ang marami sa sobrang success ng kanyang business.

Ngayon pa lang, marami na ang mga mata na nakatutok sa Beautederm. Stable naman ang Flawless dahil hindi naman maitatago na may Belo connection ito kaya matatag din ang beauty clinic nila.

Bongga si Lorna Tolentino, meron nang Rhea Tan may Rubby Coyuito pa. Flawless na, Beau­tederm pa, wala na. Panalo na ‘di ba!!!

Nadine parang may pinaglalaban

Shocking para sa ibang fans ni Nadine Lustre ang mga sexy picture niya na lumabas noong Huwebes, October 31.

Isinabay sa 26th birthday ni Nadine ang daring pictures niya na classy naman pero tinutukso siya na bold star dahil  kita na ang pisngi ng kanyang puwet at boobs.

May ipinaglalaban ba si Nadine? May gusto pa ba siya na patunayan sa kabila ng mga best actress award na kanyang napanalunan?

Palaisipan talaga sa fans ni Nadine ang pagpayag nito na mag-pose nang sobrang sexy.

vuukle comment

GRETCHEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with