^

PSN Showbiz

Gizmo, Chris, at Joy, nagbabalik sa Kapamilya!

Pilipino Star Ngayon
Gizmo, Chris, at Joy, nagbabalik sa Kapamilya!

MANILA, Philippines — Tiyak na magiging masaya na naman ang Sundays ng Kapamilya kids at kids-at-heart dahil muli nilang mapapanood ang Bible adventures nina Gizmo, Chris at Joy sa Superbook Season 4 na magbabalik ngayong Linggo (Hulyo 14) sa ABS-CBN ng 9:15 am.

Nilalayon ng ABS-CBN, katuwang ang CBN Asia, ang patuloy na maghatid ng saya at magbahagi ng mabubuting aral sa mga bagong istorya na mapapanood sa ikaapat na season ng Superbook.

Sa karagdagang anim na episodes, ang mga manonood ay inaasahang mabibigyang inspirasyon ng paglalakbay ni Hesus, at magiging saksi kung paano mababago sina Gizmo, Chris, at Joy ng kanilang pakikisalamuha sa iba pang karakter sa Bibliya, gaya nina Pablo, Barnabas, at Jeremiah.

Ang bawat episode ng Superbook ay angkop sa temang Superbook SuperStar na layong ukitin ang kabutihang asal sa mga susunod na henerasyon upang magningning sila tulad ng mga bituin na ginawa ng Diyos at maging mabu­ting ehemplo sa nakararami.

Huwag palampasin ang pagbabalik ng Superbook  Season 4 ngayong Linggo (Hulyo 14) sa ABS-CBN ng 9:15 am. Makisali sa kwentuhan sa social media gamit ang hashtag na #SuperbookIsSuperBack.

vuukle comment

BIBLE ADVENTURES

SUPERBOOK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with