^

PSN Showbiz

VJ at Beauty pinagsama sa Cooltura ng IBC

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
VJ at Beauty pinagsama sa Cooltura ng IBC
Kris & Kevin

Uy unti-unti nang gumagalaw ang IBC 13 simula nang maging president / CEO ng government-owned network si Ms. Kat de Castro.

Kahapon ay nagkaroon ng media launching ang new season ng travel show nilang Cooltura na may mga bagong host din, sina Kevin Lapena and Kris Tiffany Janson.

Aminado ang dalawang bagong host ng pareho silang mahilig sa adventure at passionate about Filipino culture.

Sa teaser nga nilang pinakita kahapon, parang gaganda ng mga pinuntahan nila at hindi ‘yung maraming beses nang napalabas sa mga ibang travel show.

Nag-pramis sila na bawat episode ay magiging fun and meaningful journey para rin ma-encourage uli ang marami na mag-travel sa magagandang lugar around the Philippines.

Si Kevin ay VJ sa MYX channel, lifestyle writer, and director bago itong Cooltura.

Si Kris naman ay former beauty queen, Binibining Pilipinas - Intercontinental 2014, Miss Cebu 2009, TV commercial and TV host din (Like Pinas) kaya hindi na siya stranger sa pagsabak sa adventure ng programa na susubukang makipagsabayan sa mga mainstream network.

Ang new season ng Cooltura ay mapapanood every Tuesday 7:30 p.m. sa IBC 13 with replays every Saturday at 9:00 p.m. and live streaming on ibctv 13 Facebook page. Ang premiere telecast ay sa April 30.

Ang Probinsyano at Kara Mia ang katapat nilang programa, kaya nagbibiruan kung sila na kaya ang makakatapat kay Coco Martin?

vuukle comment

IBC 13

KAT DE CASTRO.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with