AKTOR nila Dingdong, mas marami na!
Napakagandang effort ng pagsasama-sama ang naganap sa AKTOR General Assembly noong Linggo.
At ang ganda ng sinabi ni Ces Quesada; aniya , “In the three years they were able to accomplish much. Through their leadership, we were able to navigate through difficult situations during the pandemic: the lack of work, the need for support for the different businesses of actors, the need to have access to medical benefits , the need to further hone our craft. Through their hard work, AKTOR became a safe space for its members and because of this, they were unanimously voted to lead us again.”
Congratulations to the 2024 Board Members of AKTOR! Dingdong Dantes, Piolo Pascual, Iza Calzado, Cherry Picache, Agot Isidro, Mylene Dizon, Jasmine Curtis- Smith.
Magsasanib puwersa na ba sa mga Aktor ang mga networks para talagang ipatupad na consistently ang Eddie Garcia Bill?
Sana!!! Mabuhay ang AKTOR!!!
Bagong FAP Chair, uupo na
Nasa AKTOR General Assembly din ang Inter-Guild Alliance at sila ang namuno sa maayos na eleksyon ng officers nito. Exciting times talaga sa Philippine Cinema. Aabangan natin ang pag-aannounce kung sino na ang susunod na Film Academy of the Philippines Chair?
Totoo bang si Paolo Villaluna na dating President ng Directors Guild of the Philippines?
Sana!!!
Bona, pinuri sa Cannes
Sabi ni FDCP Chair, Direk Joey Reyes, “Finished screening the restored version of BONA at the Cannes International Film Festival proving once and for all that NORA AUNOR and LINO BROCKA are indeed the PHILIPPINE NATIONAL ARTISTS for Cinema. Forty years after its showing, the genius of Brocka as a Filipino filmmaker and Aunor as a masterpiece of an actress remain unquestioned and celebrated.”
Mabuhay ang mga Pambansang Alagad ng Sining.
Buhos ang good reviews sa premiere screening ng BONA sa Cannes Classic.
Magandang pa birthday kay Ate Guy na 71 years old ngayon.
Happy Birthday Ate Guy!!! Paano kaya ise-celebrate ni Ate Guy ang kanyang birthday ngayon?
Kailan kaya maipalalabas ang restored version ng BONA sa ‘Pinas?
Isasama kaya ito sa CCP Cine Icons at 50 Years ng MMFF? Magandang magsanib-sanib puwersa ang lahat!
NAKAKATA-QUOTE:
“Sa tingin ko, malinaw na ang sinasabi ng ating SCRIPT – na may MAHALAGANG PAPEL TAYONG MGA AKTOR.. Hindi lang sa industriyang ito; kundi…. SA LIPUNAN. We are the country’s Invisible Visible Workforce.” - Dingdong Dantes, Aktor Industry Leader
- Latest