^

PSN Showbiz

Kuwento nina Joy at Ethan, Sa november ipalalabas!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Kuwento nina Joy at Ethan, Sa november ipalalabas!
Kathryn Bernardo, Cathy Garcia and Alden Richards.
STAR/ File

Sa isa na namang makasaysayang kolaborasyon, magsasama sa unang pagkakataon ang Star Cinema ng ABS-CBN at GMA Pictures para sa  Hello, Love, Again, ang pinaka-inaabangang sequel ng blockbuster hit na Hello, Love, Goodbye.

Muling gagampanan ng ABS-CBN star na si Kathryn Bernardo at GMA artist na si Alden Richards ang minahal na karakter nina Joy at Ethan sa Hello, Love, Again.

Nagbabalik din ang box office hit film director na si Cathy Garcia-Sampana upang pangunahan ang bagong pelikula na kukunan naman ngayon sa Canada.

Magsisimulang ipalabas ang pelikula sa Pilipinas sa Nobyembre 13, 2024 at susundan ito ng international releases.

Naganap ang film announcement noong Linggo (Mayo 19) kasama ang mga opisyal ng ABS-CBN at GMA. Kabilang dito sina ABS-CBN president at CEO Carlo Katigbak, ABS-CBN chief operating officer Cory Vidanes, ABS-CBN Film Productions head Kriz Gazmen, at GMA Films president at CEO Atty. Annette Gozon-Valdes.

vuukle comment

KATHDEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with