^

PSN Showbiz

Male personality lutang pa rin ang kaangasan, mas nasobrahan pa ng kayabangan

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Mga kapamilya ‘di naman ganun

Matindi ang obserbasyon ng mas nakararami na bali na nga ang pakpak ng isang kilalang lalaking personalidad pero lumulutang pa rin ang kanyang kaangasan. Sa halip na magpakumbaba ay mas kapansin-pansin pa ang kayabangan niya ngayon.

Galing sa isang malaking pamilya ng mga artista ang male personality pero sa lahat ay siya lang naman ang ganyan. Mapagpakumbaba ang kanyang mga kadugo.

Kuwento ng aming source, “Ang alam kasi namin, kapag wala na sa posisyon ang isang tao, e, medyo nababawasan na ang kaangasan niya. Wala na kasi siyang power, marami na siyang kaso, kaya dapat, e, humble na siya, di ba?

“Pero kakaiba ang male personality na ito, kaliwa’t kanan na nga ang problema niya, inaasunto na nga siya, pero hindi ka man lang makakaramdam ng pagpapakumbaba mula sa kanya.

“Instead, mayabang pa rin siya, ipinipilit niya pa rin ang gusto niya, kaya marami nang lumalayo sa kanya. Mahirap nga namang maging kaibigan ang taong hindi tumitingin sa katwiran,” simulang kuwento ng aming impormante.

Nu’ng nasa kapangyarihan pa ang male personality ay parang kanya ang mundo. Kapag sinabi niya ay kailangang mangyari, walang puwedeng kumontra, dahil siguradong tatamaan sa kanya.

“Nakapalibot sa kanya ang mga bodyguards niya, maaabot niya na lang, e, kailangan pa rin niyang iutos sa ibang tao. Hanggang sa pagbibihis niya, kailangang may nakabantay.

“Para kasi siyang bata na basta ididipa lang ang magkabilang braso niya, ang security niya ang magsusuot ng coat niya, ganu’n siya! Matindi ang taong ‘yun!

“Kabog pa niya ang isang kadugo niya na napakataas na ng narating sa mundo ng pulitika, pero hindi ganu’n sa kanya! Mag-isang nagbibihis ‘yun, walang nagsusuot sa kanya ng mga polo o barong niya!

“Laglag na siya ngayon, napakarami niyang kailangang haraping problema, pero instead na magpakumbaba na lang, e, kung anu-ano pa ang lumalabas sa bibig niya!

“Mahilig siyang maghamon at magbanta, napakatapang niya sa totoo lang, ewan lang kung kaya niyang panindigan ang mga ikinukuda niya kapag kaharap na niya ang taong hinahamon niya.

“Sagana siya sa kaangasan, kaya may mga nagsasabi na magbayad na lang siya ng mga pagkakautang niya para hindi na madadagdagan pa ang mga problema kinakaharap niya ngayon!” naiinis na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Tootsy Angara namulat agad  sa mga problema dahil sa nanay na aktibista

Simple at mapagkumbaba. Ganu’n kung ilarawan ng marami si Tootsy Angara, ang magandang misis ni Senador Sonny Angara, kahit saan siya magpunta.

Sa biglang tingin ay magkahawig sila ni Heart Evangelista, habang tinititigan mo siya ay lalo pa siyang gumaganda, dahil sa kanyang kasimplehan at pagiging sinsero sa kanyang mga sinasabi.

May dahilan kung bakit. Si Tootsy ay anak ng isang aktibista. Hindi siya pumapasok sa regular na eskuwelahan nu’ng bata pa siya dahil patakbu-takbo ang grupo ng kanyang ina sa bulubunduking Cordillera.

Kaya naman pala napakalalim ng kanyang pundasyon. Kaya naman pala isinasapuso niya ang mga hinaing ng maliliit nating kababayan. Bata pa lang pala si Tootsy ay bahagi na ng kanyang buhay ang mga manggagawa at mga kababayan nating may matinding ipinaglalaban sa pamahalaan.

Siya ang tagapamuno ng sales department ng ABS-CBN, lumiliban siya sa trabaho kapag kailangan ni Senador Sonny ang kanyang pag-ayuda sa pangangampanya, malaking dagdag na boto ng senador ang pagkakaroon ng misis na tulad ni Tootsy na naiintindihan ang buhay ng mga kapos at sumisigaw ng katarungan.

Tatlo na ang kanilang mga anak pero parang nagpapasarap pa rin sa pagkadalaga ang hitsura ni Tootsy. Pinakagusto niyang katangian ng mister niyang senador ang pagiging mapuso at mahilig sa komedya.

“Kapag ganitong kampanya, busy kaming lahat para sa kanya. Masaya na kaming nagkakasama-sama sa pagtulog ng mga anak namin,” sabi ni Tootsy na kapag numingiti ay nawawala ang mga mata.

Sa una nilang pagkikita ni Senator Sonny Angara ay walang naganap na milagro. Pero sa ikalawa nilang pagkikita ay meron na, kaya ang tawag ni Tootsy sa love story nila ay “love at second sight,” na humantong sa altar.

vuukle comment

TOOTSY ANGARA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with