^

PSN Showbiz

Dating modelo na si Gab napansin sa halik

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Dating modelo na si Gab napansin sa halik
Gab

Isang modelo na pinasok ang pag-aartista ang 6-footer na si Gab Lagman. Current talk of the town siya dahil kasama siya sa pinag-uusapan ding serye na Halik bilang kapatid ni Sam Milby. Madalas din niyang makaeksena sa serye si Jericho Rosales.

Napapansin si Gab dahil sa magaling niyang portrayal ng isang lalaki na in love na in love sa isang babae na kahit kawawain siya’t ipagtabuyan ay patuloy siya sa kanyang pakikiusap na makausap man lamang ito. Pasado ang pag-arte para sa isang newbie na tulad niya. Idagdag mo pa ang pagiging guwapo’t mayaman niya sa serye because he’s better off and good riddance sa babaeng nagpapahirap sa kanya.

Isang nursing student si Gab sa Las Vegas na nagpasyang mag-pursue ng isang showbiz career dito.

May basbas siya ng kanyang parents na gusto rin siyang maging artista which Gab finds easier to do than acting. Sa rampa naman ay considered siyang one of the best walkers. Tanggap din niya ang maraming bashings na tinatanggap niya and uses them as his motivation to make him want to work harder.

Mariel pinakita ang husay bilang singer

Isang maawit na gabi ang naging selebrasyon ng 60th birthday ni Sandy Andolong. Batid ng lahat na kumakanta ang asawa niyang si Christopher de Leon pero first time nilang marinig ang singing voice ng beauty queen/daughter nilang mag-asawa na si Mariel de Leon na talaga palang magaling kumanta. Pero, hindi naman nagpahuli ang mga kapatid nila sa ama na sina Matet at Lotlot de Leon.

Hindi na sila kailangang pilitin pa, talagang dumating silang may baong kanta kaya isang tawag lang at game agad sila. Pati ang anak nina direktor Laurice Guillen at Johnny Delgado na si Ana Feleo ay nakikanta rin.

Madaling natanggap ng aktres ang pagiging senior citizen niya dahil sa naging kasiyahan ng selebrasyon niya.

TNT mas mainit ang labanan

Sino kaya ang mananalong semi finalist sa Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime? In all fairness, magagaling ang semi finalists ngayon kahit na ‘yung may edad na at may apelyidong Mandapat ay lumalaban din. Hindi lang marahil inakala ng marami na may magaling ding makakalaban si John Mark Saga, si John Michael dela Cerna, na parehong tinatayuan ng mga judge.

Everybody thought hawak na ng una ang korona pero, bigla na may lumitaw na singgaling din niya. Ngayon masyadong mahigpit ang labanan sa pagitan nila, tanggapin man ito o hindi ng ibang finalists.

vuukle comment

GAB LAGMAN

SAM MILBY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with