^

PSN Showbiz

‘Wow at Saya’ ng ABS-CBN nakatanggap ng prestihiyosong parangal

Pilipino Star Ngayon
�Wow at Saya� ng ABS-CBN nakatanggap ng prestihiyosong parangal

MANILA, Philippines — Nagwagi ang ABS-CBN ng prestis­yosong Gold Quill award of excellence sa International Association of Business Communicators (IABC) Gold Quill Awards kamakailan sa Montreal, Canada para sa Wow at Saya audience experience prog­ram nito.

Kinilala ang Wow at Saya sa Communication Management division sa ilalim ng Customer Relations category bilang isa sa pinakamahusay na strategic communication program sa buong mundo. Ito rin ang nag-iisang winning entry na galing sa isang Philippine TV network.

“Bukod sa pasasalamat para sa kara­ngalan, magsisilbi rin  ang tagumpay na ito bilang inspirasyon ng ABS-CBN para ipag­patuloy ang pagpapaganda ng karanasan ng ating mga Kapamilya sa kanilang pagbisita sa ABS-CBN, lalu na ito ay bahagi ng ­aming mis­yon na maglingkod sa bawat Pilipino,” ayon kay Kane Errol Choa, head of ABS-CBN Integrated Corporate Communication.

Inilunsad ang Wow at Saya noong 2016 upang bigyan ang mga TV studio audien­ce nito sa mga live shows tulad ng It’s Showtime at ASAP Live ng masayang karanasan sa loob ng ABS-CBN.

Bumuo ng isang team ang Kapamil­ya network upang siguraduhing mataas ang kalidad ng TV studio audien­ce experience. Kinumpuni rin ng ABS-CBN ang audience holding area nito na kilala na ngayon bilang Kapa­milya Audience Lounge (KAL) dahil meron na itong LED TVs, photo walls, food stalls, at iba pang amenities para sa masaya at kumportab­leng pag-aantay bago magsimula ang live shows.

Maliban dito, pinasailalaim din ng ABS-CBN sa mga workshop ang mga tour guide at marshal nito.

Mula nang simulan ang Wow at Saya, patuloy na naging positibo ang mga karanasan ng mga bisita sa ABS-CBN. Kinilala rin noong 2017 ang ABS-CBN Wow at Saya sa customer relations category ng Philippine Quill Awards, kung saan binibigyang parangal ang pinakamahuhusay na business communications campaigns sa buong bansa.

vuukle comment

ABS-CBN

GOLD QUILL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with