^

PSN Showbiz

Shaina, niregaluhan ng ahas si Julia

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ang kamandag ng paghihiganti ang magtutulak kina Ana (Julia Montes) at Samantha (Shaina Magdayao) upang pabagsakin ang isa’t isa sa mas umiinit nilang pagtutuos sa Kapamilya haponserye na Asintado.

Nag-iinit na sa galit si Samantha at hindi na napigilang sugurin at ipagtabuyan ang karibal na si Ana matapos niyang mahuli itong kayakap at nakikipagmabutihan sa asawa niyang si Gael (Paulo Avelino).

Nangyari ito matapos ang isang gabing pagsasama nina Ana at Gael, na parehong nagpabalik sa nararamdaman nila para sa isa’t isa.

Ngunit agad ding tinamaan ng karma si Samantha dahil hindi inaasahang nabunggo ang sinasakyan niyang kotse, na naglagay sa buhay niya at sa batang kanyang dinadala sa peligro. Sa kabila ng kanilang away, tinulungan pa rin siya ni Ana upang madala sa ospital at masiguro ang kanyang kalagayan.

Pero hindi ito rason para mawala ang galit ni Samantha dahil ang karibal niya ang patuloy niyang sinisisi sa aksidente, at pinadalhan pa ng regalong naglalaman ng ahas upang panakot kay Ana sa pang-aagaw niya kay Gael.

Samantala, patuloy namang mababawasan ng kakampi si Samantha dahil aanib na rin kay Ana ang kanyang inang si Hillary (Agot Isidro), na gaya ni Gael, ay makikipagtulungan upang isiwalat ang lahat ng katiwalian ni Salvador (Nonie Buencamino) sa publiko.

Miguel, nakipag-bonding sa fans

Nakipag-bonding with fans ang Kambal, Karibal star na si Miguel Tanfelix sa pamamagitan ng isang summer getaway. Sa Instagram post ni Miguel na kuha sa isang resort, masayang nag-swimming ang mga ito at pinasalamatan din niya ang lahat ng pumunta dahil talagang nag-enjoy siya. Sey ng fans sa comments, “hanggang sa uulitin!”

vuukle comment

ASINTADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with