^

PSN Showbiz

Marian mas inulan ng biyaya nang magkaasawa’t anak

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Marian mas inulan ng biyaya nang magkaasawa�t anak

Marian

Muling nag-renew ng kanyang kontrata sa Mega Prime ang actress at misis ni Dingdong Dantes na si Marian Rivera bilang brand ambassador ng mga produkto ng kumpanya tulad ng easy-to-open canned vegetables.  Ang contract signing ay ginanap sa Prime Studios na nasa penthouse ng Prime Hotel nung nakaraang Huwebes, March 15 ng hapon.

Marriage and motherhood become Marian dahil kung kelan ito nag-asawa at nagkaroon ng anak ay saka naman ito naging in-demand celebrity endorser ng iba’t ibang produkto.

Kahit mahigit tatlong taon na silang mag-asawa ni Dingdong at magti-three years old na rin ang anak nilang si Zia, inamin ng actress at celebrity endorser na bukod sa pangangalaga sa kanyang mag-amang Dingdong at Zia ay hindi umano siya nagpapabaya sa kanyang sarili kaya marami ang nagsasabi na mas maganda, mas sexy at mas physically fit siya ngayon at higit sa lahat ay sobra umano siyang masaya sa buhay may asawa.

Seve walang kawala sa showbiz

Ang yumaong actor-dancer at perennial screen partner noon ng yumao na ring si Nida Blanca na si Nestor de Villa (Gines Francisco Soriano in real life) sa ilalim ng LVN Pictures ay siyang lolo ng director-producer at husband ni Toni Gonzaga na si Paul Soriano

Since singer-actress-TV si Toni at nasa showbiz din ang kanyang nakababatang kapatid na si Alex Gonzaga, hindi malayong mag-showbiz din   ang first born ng mag-asawang Paul at Toni na si Seve. Pero gusto ng young couple na mag-focus ang kanilang anak sa studies nito bago ito mag-showbiz someday.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with