^

PSN Showbiz

Marian at Angel may naka-sked na date!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Four years nang endorser ng Biofitea si Ma­rian Rivera at patunay ito sa tiwala at paniniwala ng Diamond Laboratories, Inc., sa aktres. Iniinom ni Marian ang Biofitea sa gabi after dinner at kita sa very slim na katawan nito ang resulta. Abot lang sa 97 lbs. ang timbang nito at 21-in. lang ang waistline ng misis ni Dingdong Dantes. Noong una nga, ang sabi nito, 19 inches lang ang waistline niya, pero lumaki nga dahil sa kanyang panga­nganak.

Kaya natawa si Marian nang tanungin ng press ng “How to be you?” dahil nakakainggit talaga ang kaseksihan nito. Ang sabi ni Marian, bukod sa Bio­fitea, malaking bagay kung bakit slim siya ang patuloy na pagbi-breastfeed kay Zia kahit one year and three months old na ito. Hinahanap daw ni Zia ang gatas niya kahit kumakain na ng solid food.

“Marian na Marian” kung i-describe ni Marian si Zia dahil masayahin, palatawa, at sumisi­gaw kung may gustong sabihin. Pinapanood siya nito sa Sunday PinaSa­ya at tiniyak na mapapanood ng ba­gets ang bago niyang primetime series dahil pambata ito.

May leading man siya, pero bawal pang sabihin pati na ang iba pang detalye. Basta sa March na raw ang start ng taping nila at sa May ang ai­ring nito.

May kasunduan sina Marian at Ding­dong na hindi dapat maiwang mag-isa si Zia. Ayaw ng mag-asawa na yaya lang ang kasama ni Zia habang nasa trabaho sila. Ang nang­yayari ngayon, ‘pag pareho silang wala sa bahay, either ang mom ni Marian o mom ni Ding­dong ang ka­sama ni Zia.

“Puwede lang namin mai­wan sa bahay si Zia ‘pag ma­runong nang magsumbong ng mga nangyayari sa paligid ‘pag wala kami. Sa nga­yon, kailangang isa sa amin ang kanyang kasama,” sabi ni Marian.

Magkasama sina Marian at Angel Locsin sa pictorial ng isang glossy magazine na lumabas ka­hapon. Nagkakuwentuhan at ang ending ay nag­yaya si Angel na lumabas sila either dinner o merienda.

Maganda siguro kung matuloy ito dahil dalawang Darna ang magba-bonding.

Fans sabik na kina Sarah at John Lloyd

Isinusulat na yata ang script ng reu­nion movie nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo dahil nakita namin sa social media account ng scriptwriter na si Carmi Raymundo ang sequence treatment ng Dear Future Husband.

Katuwa dahil se­quence treatment pa lang, sobrang excited na ang fans nina John Lloyd at Sarah. Ang tagal na nga naman ng huling pelikula ng dala­wa, kaya nagdiriwang ang kanilang fans. Kinikilig sila kahit alam nilang in real life ay may Matteo Guidicelli na si Sarah.

Si Ted Boborol ang director ng Dear Future Husband. Siya rin ang director ng Vince and Kath and James. Wala pang balita kung kailan sisimulan ang shooting ng movie.

Nagtatanong pala ang fans kung ang ga­gamiting theme song ng mo­vie ay ang song ni Meghan Trainor na Dear Future Husband. Bagay na bagay daw sa pelikula ang song ng singer.

Fans sa abroad nina Alden at Maine excited na rin sa serye

Balik sa GMA-7 si Janice de Belen sa Destined To be Yours bilang si Sally Obispo, ina ni Sinag (Maine Mendoza) ang wife ni Gardo Versoza bilang si Teddy Obispo. Isang painter ang karakter ni Janice at mang­huhula pa, kaya kulay pink ang buhok nito.

Very thankful si Janice sa chance na makapag­trabaho uli sa network. Excited siya nang malamang kinukuha siya sa rom-com series dahil looking forward siya to work with Maine and Alden Richards at ang ibang cast.

“I wanted to work with GMA again regardless of the project tapos AlDub pa ang makasama ko. Na sorpresa nga ako sa AlDub, nakakakilig sila, ang sweet at nakukyutan ako sa kanila. Ang cute nilang tingnan,” ayon kay Janice.

Sa February 27 na ang pilot ng Destined To be Yours sa direction ni Irene Villamor. Sabay nito ang worldwide premiere ng rom-com series na labis ikinatutuwa ng Team Abroad fans ng AlDub dahil makakasabay sila sa usapan sa Twitter.

vuukle comment

ABOUT SHOWBIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with