^

PSN Showbiz

Humayo... naka-P4-M!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Humayo... naka-P4-M!
Ms. Charo Santos Concio

Seen: Mahigit sa P4 million ang box office gross sa dalawang linggo na pagtatanghal sa mga sinehan ng Ang Babaeng Humayo, ang comeback movie ni Ms. Charo Santos Concio.

Scene:  Nagsalita nang tapos si Senator Loren Legarda na hindi na siya kakandidato para sa mas mataas na posisyon kapag nagwakas ang termino niya sa senado sa 2019.

Seen: Ang mag-asawang Pia Laurel at Gerry Gonzalo sa isang mall sa Mandaluyong City. Tumaba na si Pia pero na-maintain ng kanyang blind husband ang magandang pangangatawan sa kabila ng kapansanan.

Scene: Masaya si Glaiza de Castro para sa rumored love affair nina Benjamin Alves at Julie Anne San Jose. Nagparamdam noon si Benjamin kay Glaiza pero biglang naging matabang ang special friendship nila.

Scene: Ang sarili ang dapat sisihin ni Kris Aquino sa nabulilyaso na show niya sa GMA 7 dahil sa kanyang mga emote sa Instagram. Ang APT Entertainment lamang ang palaging ina-acknowledge ni Kris sa kanyang mga IG post.

Scene: Puro good and positive reviews ang nasusulat sa pelikula nina Anne Curtis, Paolo Ballesteros at Dennis Trillo na nagsimulang ipalabas sa mga sinehan noong Miyerkules.

 

vuukle comment

MS. CHARO SANTOS CONCIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with