^

PSN Showbiz

PBB Teen Big 4 puwede nang buntutan sa cell phone

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ang mga taga-subaybay ng Pinoy Big Brother at ng Teen Big 4 ay pwede nang sundan ang paglalakbay at adventure ng grupo kahit saan man sila at kahit anong oras.

Hindi lang pala maghihintay ang Teen Big 4 na sina Ylona Garcia, Bailey May, Franco Rodriguez, at Jimboy Martin para sa big night ngayong nasa labas na sila ng Bahay ni Kuya. Meron pa palang mga tasks na binigay sa kanila.

Sama-sama silang uuwi sa kani-kanilang mga probinsiya at kailangan nila gumawa ng kanta tungkol sa kanilang mga naranasan at nakita, at kailangan nilang gawin din ito ng music video na gamit ang mga video clips na nakuha sa kanilang paglalakbay.

Panoorin sila mag-perform sa harap ng mga tao sa mga lugar na binisita nila. Alamin din kung ano ang gagawin nila sa kanilang music video.

Makikilala ba nang husto ng mga teen housemates ang isa’t isa? At si Bailey ba magsasalita tungkol sa mga unang araw niya sa loob ng PBB House, lalo na tungkol kay Barbie Imperial na naunang ma-evict? O matatagpuan niya ba ang pag-ibig kay Ylona?

Lahat ng ABS-CBNmobile subscribers ay pwede nang sundan ang mga adventures ng Teen Big 4 gamit ang iWant TV app sa kanilang mobile phones o di kaya sa iWant TV website.

vuukle comment

ALAMIN

ANG

BAILEY MAY

BARBIE IMPERIAL

FRANCO RODRIGUEZ

JIMBOY MARTIN

KUYA

MGA

PINOY BIG BROTHER

TEEN BIG

YLONA GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with