^

PSN Showbiz

Pag-twerk ni Anne trending sa netizens

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Trending ang sexy production number ng tinaguriang concert sweetheart na si Anne Curtis kahapon (Aug 17) sa It’s Showtime matapos siyang mag-twerk sa unang pagkakataon para sa madlang people.

Agad na pumasok sa top trending topics sa Twitter ang #AnneSexy dahil sa pagbuhos ng mga papuri ng netizens sa kanyang hot performance.

Kasabay nito, inilunsad din ng Kapamilya noontime show ang bago nitong segment na Twerking Girls na agad ding gumawa ng ingay online. Isa ito sa mga dapat pakaabangang segments sa It’s Showtime kabilang na ang Papa Pogi at Sample Queen na layuning mabigyan ng pagkakataon ang mga gustong magpasikat na maipakita ang kanilang mga talent at makapagpasaya ng mga manonood.

Kung saya ang pag-uusapan ay nag-uumapaw na saya ang inihandog ng programa noong Sabado (Aug 15) sa trending nitong paandar na #FunnyOneMoreTime kung saan nagsama sa iba’t ibang comic acts ang It’s Showtime hosts at Funny One final five komikeros.

Pang-finale ang paghaharap nina Vice Ganda at Ryan Rems na parehong nagpasabog ng jokes sa kanilang kunyari’y presidential debate.

Benta ang dance showdown nina Billy Crawford, Vhong Navarro, at Ryan Bang kasama ang No Direction at pumatok naman sa katatawanan ang skits nina Bayani Agbayani at Nonong Ballinan, at Anne Curtis at Gibis Alejandrino.

Hindi naman nagpahuli sa punch lines ang duo nina Jugs at Teddy na nakaharap naman ang Crazy Duo.

Pumatok nga ang paandar na ito ng It’s Showtime kung kaya’t tinutukan ito ng mga manonood at nakakuha ng national TV rating na 17.8%, base sa datos ng Kantar Media.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANNE CURTIS

BAYANI AGBAYANI

BILLY CRAWFORD

CRAZY DUO

FUNNY ONE

GIBIS ALEJANDRINO

KANTAR MEDIA

NO DIRECTION

SHOWTIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with