^

PSN Showbiz

Megan todo ang ginawang scuba diving lesson at horseback riding

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Pati sina Lovi Poe, Solenn Heussaff, Max Collins, at Carla Abellana ay naseksihan din kay Me­gan Young nang i-post niya sa kanyang Instagram (IG) account ang picture na part yata ng publicity ng Mari Mar. Bukod kasi sa tatlong aktres, ang dami ring positive comment kay Megan, kaya wala itong ginawa kundi magpasalamat.

Napansin din namin na kung noong una, may mga nagda-doubt kung madadala ni Megan ang role at karakter ni Mari Mar, ngayon ay looking forward silang mapanood na ang serye na magsisimula sa August 24.

Sabi ni Megan, “I hope to give justice to the series as well!!!” at sa ginawa niyang effort, sa tulong ng writers at ni direk Dominic Zapata, makakaya niya ito. Nag-scuba diving lesson at may horseback riding pa siya, kaya talagang ibang Mari Mar ang mapapanood.

Susan handa na sa darating na eleksyon?!

Mai-interview this Tuesday si Ms. Susan Roces sa Tapatan at masasagot na nito ang mga tanong tungkol sa anak na si Sen. Grace Poe kung tatakbo ba itong presidente at pati sa commemoration ng kaarawan ni Fernando Poe, Jr., sa August 20.

Malalaman kung bukod sa tribute screening ng Ang Probinsiyano ni FPJ sa Cinema 7 ng Trinoma ay may iba pang paghahandang gagawin. Ang FPJ Productions, Dreamscape Entertainment, at ABS-CBN ang nasa likod sa tribute screening.

Jake hindi kasama sa debut ni Bea

Hindi naman pala totoong nag-audition si Bea Binene sa role ni Bea Bianca ng Pangako Sa’Yo ng ABS-CBN. May kontrata pa ito sa GMA Artist Cen­ter at alam nitong mapapahamak siya ‘pag gi­nawa ‘yun. Mabuti at hindi naniwala ang GMAAC at inalam kina Bea kung totoo ang lumabas na balita.

Anyway, super saya ang aktres at ang pamilya nito sa pagta-top ni Bea sa NCAE (National Career Assessment Examination) na kinuha niya last year. Pinatunayan nitong kaya nitong pagsabayin ang showbiz at pag-aaral at heto nga, nag-enroll ito ng Mass Communications sa isang college sa Taguig City.

Samantala, sa gitna ng pag-aaral, tuloy ang pag­hahanda sa kanyang debut sa November 4. Sa Manila Hotel ang debut, kaya lang, sa rami ng imbitado parang hindi namin narinig ang pangalan ni Jake Vargas na isa sa mga invited.

Ang hindi namin naitanong ay kung totoong may suitor o boyfriend na si Bea na hindi taga-showbiz. Kasama raw ni Bea ang guy nang dumalo sa joint birthday party nina Barbie Forteza at Derrick Monasterio.

Lara Maigue nasa Viva na?!

Dinala ni Ogie Alcasid sa Viva Entertainment sina Lara Maigue at Davey Langit at ipinakilala kina Mr. Vic del Rosario, Veronique del Rosario-Corpus, at Vincent del Rosario. Ta­lent ni Ogie ang dalawa, kaya hindi nakakagulat kung sa Viva Records gumawa ng album sina Lara at Davey.

Puwede ring mag-artista si Lara dahil bukod sa maganda ang boses, maganda rin ang mukha. Lumabas na nga siya sa Trenderas ng TV5 dati.

Ang Viva Records ang nag-release ng album ng Philpop 2015 at doon si­guro unang napansin ni boss Vic sina Lara at Davey.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANG PROBINSIYANO

ANG VIVA RECORDS

ARTIST CEN

BEA

LARA

LARA MAIGUE

MARI MAR

MEGAN

NBSP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with