^

PSN Showbiz

Mag-aamang Benjie, Andre, at Kobe mas pagpapalain kung mapapatawad si Jackie

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Bakit nga ba hindi na lang patawarin nina Andre at Kobe Paras ang kanilang ina sa kung anuman ang naging kasalanan nito sa kanila? Mahabang panahon na ang lumipas at hanggang ngayon ba ay dinaramdam pa nila ang naging kasalanan ni Jackie Forster sa kanilang mag-aama? 

Humingi na naman ng kapata­waran ang dating aktres kung anuman ang naging kasalanan niya at napakaliit na bagay lamang ang hinihiling nitong  pagpapatawad para matahimik na silang pare-pareho.

Ina nila ang humihingi ng pagpapa­tawad, bakit ba napakatigas ng ka­ni­lang puso na ipagkaloob ito? Tumulong ka na nga Benjie Paras. Tutal na­man, God has been good to all of you. Mapatawad man lamang n’yo si Jackie ay sapat nang pasalamat sa mga magagandang blessings ni Lord sa inyo.

Jennylyn at Dennis ikakasal na?!

Ang galing talagang magbigay ng palaisipan ni Katrina Halili dahil sa isang photo nila nina Sheena Halili at Jennylyn Mercado na kuha sa salon ng huli at ipinost sa kanyang Instagram (IG) account na may caption na “Congrats! Waiting for the big day!”. Nilagyan pa niya ito ng emoticon na singsing.

Sino sa kanilang tatlong magkakaibigan ang may bagong lovelife? Si Jennylyn ay iniuugnay pa kay Dennis Trillo, pero itinatanggi naman niya na nag­ka­balikan na silang dalawa. Baka naman si Katrina na after her last relationship with Kris Lawrence ay wala pang nababalitaan na bagong karelasyon? Ganundin din naman si Sheena na hindi maingay ang buhay pag-ibig.  

Mas gustong paniwalaan ng fans na si Jennylyn ang tinutukoy ni Katrina kahit ayaw umamin sa re­lasyon nila ni Dennis. Kay Dennis lamang nakakakuha ng mga de­talye tungkol sa kanila ni Jennylyn, pero wala sa aktres.

Rhian at Piolo gumastos para sa pelikula nila

Kaya naman pala pumayag si Rhian Ra­­mos na gumawa ng mga da­ring scene na pang-Cine­malaya movie na Silong kasama si Piolo Pascual ay dahil collaborative produ­cers sila ng aktor dito. Ano kaya ang ibig sabihin ng role niya sa nasabing pelikula kung saan ay nagpakita rin ng puwet ang magaling na aktor sa mainit na eksena nila ni Rhian?

Bea Binene hindi pumasa sa Kapamilya

Akalain mo, napakarami pala ang sumubok sa audition na ibinigay ng ABS-CBN para sa gaganap ng Bea Bianca sa teleseryeng Pangako Sa ‘Yo. Maski na ang Kapusong si Bea Binene ay sumubok kahit may kontrata ito sa GMA. 

Hindi kaya ito natakot na malagay siya sa ala­nga­nin dahil sa kanyang ginawa? Ang buntis ding si Bianca Gonzales ay sumailalim sa audition. Pati si Melai Cantiveros na tanong ng lahat ay kung paano tatanggapin ng manonood kung sinuwerteng makuha ang role at magsisilbing katrayanggulo sa serye ng Daniel Padilla-Kathryn Bernardo loveteam.  Isang baguhang nagngangalang Sarah Carlos ang nakuha para sa role at ngayon pa lamang ay sinasabing tinatauban na niya si Kathryn sa role na nakuha niya, ganun?!

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

BEA BIANCA

BEA BINENE

BENJIE PARAS

BIANCA GONZALES

DANIEL PADILLA-KATHRYN BERNARDO

DENNIS TRILLO

JENNYLYN

NBSP

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with