^

PSN Showbiz

Mikael gaganti sa pakikipaglaplapan ni Megan sa ibang lalaki!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Natawa kami sa “ako nga hindi nagseselos” na sagot ni Mikael Daez nang biruin namin sa presscon ng My Faithful Husband na baka may magselos sa marami nilang kissing scenes ni Jennylyn Mercado. In fact, sa first part ng soap, sila ni Jennylyn ang may mga kissing scene at si Dennis Trillo ay wala pa sa aktres.

Agad naming nasakyan kung ano ang gustong tukuyin ni Mikael kaya kami natawa. May kissing scenes at may love scenes pa yata ang girlfriend niyang si Megan Young kay Tom Rodriguez sa Mari Mar dahil magiging mag-asawa sila at hindi nga raw siya nagseselos dito.

Ang hindi namin naitanong kay Mikael ay kung ano ang reaction niya sa sinabi ni Jennylyn na ma­lambot ang lips niya. Ang sabi lang nito’y “very hot” ang aktres at nirerespeto niya ito dahil ‘yun ang laging sinasabi ng mommy niya sa kanya lalo’t may mga kapatid siyang babae.

Sa August 10, ang pilot ng My Faithful Husband at makikilala si Mikael bilang si Dean na nakabuntis kay Jennylyn. Siya rin ang magiging rason sa pagkasira ng relasyong mag-asawa nina Jennylyn at Dennis.

Time out muna sa taping ng My Faithful Husband si Mikael dahil sa Thursday, lilipad sila ni Andrea Torres sa Cambodia para sa premiere night ng Blood in Dispute. Una itong ire-release na pelikula at susunod bilang mini-series doon bago ipalabas sa GMA 7. Four days sila sa Cambodia ni Andrea at wish nitong makapamasyal na sila this time.

Janno nagluksa rin sa pamamaalam ng SAS

Nag-post si Janno Gibbs sa Instagram (IG) ng picture ng stage ng Sunday All Stars, ang variety show ng GMA 7 na pinanggalingan nito. Ang caption na ginamit ni Janno sa pinost na picture ay “Proud to have been part of this show...Farewell.”

Wala mang sinabi, tiyak na nalungkot din si Janno sa pagkawala ng SAS kung saan naging bahagi siya bago lumipat sa TV5 at maging host ng Happy Truck ng Bayan kasama si Ogie Alcasid na galing din sa SAS.

Tama ba ang viewers ng SAS sa paniwala nilang isa sa naging rason kung bakit ito inalis ng network ay dahil sa pagkawala nina Ogie, Janno, at Kyla? Si Jaya ay muntik na ring lumipat sa ABS-CBN kung nakapasa sa audition ng Your Face Sounds Fami­liar.

Miguel paliligayahin ang fans sa Indonesia

Sa October na pala dadalhin ng GMA Artist Center at GMA 7 sa Indonesia si Miguel Tanfelix para pagbigyan ang matagal nang request ng Indonesian fans nito na bumisita sa kanilang bansa.

Sumikat sa Indonesia si Miguel dahil sa dubsmash video niyang Twerk It Like Miley at naging dahilan sa pagdami ng kanyang followers.

Masipag silang mag-comment sa IG, ‘yun nga lang, hindi maintindihan dahil sa Bahasa, ang language sa Indonesia sila nagpo-post.

Hindi kasama ni Miguel si Bianca Umali sa pagbisita niya sa Indonesia dahil nagseselos sa kanya ang fans. May umaaway nga kay Bianca at hindi raw sila bagay ni Miguel..

Kaya lang, sa rami ng request kay Miguel na bisitahin ang lugar nila, kulang ang dalawang araw para pagbigyan ang lahat ng humihiling na makita siya.

Samantala, nalaman naming ang soap nina Miguel at Bianca ang posibleng ipalit sa The Half Sisters, pero sa last quarter pa ito ng taon. Ibig sabihin ba, hindi pa magtatapos sa September ang THS?

Joshua at Bimby mga negosyante na rin

Magbubukas sa Sabado ang second stall ng Potato Corner na nasa panga­lan ni Joshua Aquino at ang nacho stall na Nacho Bimby ang pangalan at obviously, si Bimby ang may-ari. Nasa Promenade sa Greenhills ang dalawang stalls na bagong negos­yo ng mga anak ni Kris Aquino.

vuukle comment

ACIRC

ANDREA TORRES

ANG

ARTIST CENTER

BIANCA

JANNO

JENNYLYN

MIGUEL

MIKAEL

MY FAITHFUL HUSBAND

NBSP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with