^

PSN Showbiz

Female personality na pera ang sinasamba, sinukuan ng manager

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Wala na ngayon sa pa­ngangalaga ng kanyang ma­nager ang isang female personality. Nagtagal din ang kanilang samahan bilang talent-manager, pero ang manager na mismo ang sumuko, ayaw na nitong patagalin pa ang problema nila para maghiwalay silang magkaibigan pa rin.

Matutok ang manager sa paghahanap ng pro­yekto para sa babaeng personalidad, nambabraso ito ng mga prodyuser, malalim ang ipinakisama ng manager sa mga produksiyon kaya hindi ito nabibigo.

Pero may problema sa pagpapatakbo nito sa career ng kanyang alaga. May bumubulong sa magkabilang tenga ng fe­male persona­lity. Wala itong kalaban-laban da­hil ang bu­mubulong sa female personality ay malapit sa kanyang puso. Pinakamalapit pa nga kung tutuusin.

Kuwento ng isang source, “Walang kai-kaibi­gan para sa taong ‘yun, lahat, katalo. Kahit mga kaibi­gan nila, pinepres­yuhan niya nang todo. Parang binibili na ang female personality, parang hindi serbisyo lang naman ang kailangan ng kumukuha sa kanya.

“Du’n nagkakaroon ng problema. Madaling kausap ang manager, pero ang umeepal sa pagma-manage niya, napakahirap kausapin nu’n. Pera-pera lang ang alam niya.

“Natural, wala namang magawa ang female personality, paano siya aangal, e, ;di sila naman ang mag-aaway ng leader ng bulong brigade niya?” madiing sabi ng aming source.

Para mawala ang kanyang stress ay nagdesis­yon ang manager na bitiwan na ang kanyang alaga. Tutal naman ay walang magawa ang kanyang ta­lent sa pakikialam ng isang taong napakalapit sa kanyang puso, di ‘yun na lang ang mag-manage sa kanya?

Akala siguro nito ay panahon pa rin ng female per­sonality. Tapos na ang kanyang panahon. Bonus na lang ang mga proyektong meron siya ngayon.

Mawawalang parang bula ang female persona­lity pero ang dati niyang manager ay nand’yan pa rin. May bagong aalagaan, may bagong ihahanap ng mga proyekto, pero walang makikialam sa kanyang pamamalakad.

Ubos!

Kris tiyak pangungunahan na naman ang problema nina James at Michela

Bulung-bulungan ngayon sa mundo ng basketball ang pag-asim ng relasyon nina James Yap at Michela Cazzola. Kapansin-pansin na nu’ng mga huling laro ng Star Hotshots (Purefoods) sa huling conference ng PBA ay hindi na nakikitang nanonood ang Italyana sa kanyang boyfriend.

Dati, basta nakaka-three points si James Yap ay maagap ang mga cameramen, agad na nilang tututukan si Michela, palakpak nang palakpak ang girlfriend ni James sa magaganda niyang ginagawa sa bawat laro ng kanyang team, proud na proud si Michela sa kanyang boyfriend.

Ang kuwento tungkol sa kanilang relasyon ay nadagdagan pa nang mag-post si James ng mga patagilid na emosyon, tungkol sa paghihiwalay ng isang magkarelasyon ang tinutumbok ng basketbolista sa kanyang post, pero wala siyang binanggit na pangalan.

Sabi ng isang miron, “Pustahan tayo, kapag na-confirm nang hiwalay na nga sina James at Michela, may isang babaeng eepal na naman. Makikisahog na naman siya sa issue. Pustahan tayo?”

Sino pa nga ba ang tinutukoy nito kundi si Kris Aquino? Kahit ayaw nang magsalita pa ng aktres-TV host tungkol sa senaryo ay hindi pa rin ito makalulusot, siguradong hihingan ito ng komento, at magbibigay naman si Kris.

Sayang naman, kasalan na ang pinag-uusapan nu’n nina James at Michela, pero mukhang mabu­bulilyaso pa yata ang kanilang planong pagharap sa altar.

Sana’y isang ordinaryong problema lang ang pinagdadaanan nila ngayon na maihahanap pa nila ng solusyon. Harinawa.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ISANG

JAMES

JAMES YAP

KAHIT

KANYANG

MGA

MICHELA

NAMAN

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with