^

PSN Showbiz

Winwyn may napatunayan daw kahit talunan sa Binibini

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Mga taga-showbiz ang karamihang nag-react sa pagkatalo ni Winwyn Marquez. Sa kani-kanilang social media account naglabasan ang pagtataka bakit wala man lang nakuhang korona sa Binibining Pilipinas ang Kapuso actress.

May ilang nagmalisya na baka may kinalaman daw ang pagiging Kapuso ni Winwyn kaya hindi ito nanalo.

Pero masaya na si Winwyn sa nangyari sa Binibining Pilipinas. Marami na raw siyang napatunayan sa kanyang sarili at ipinagmamalaki niya ito.

Sabi niya sa kanyang Instagram account; “Napakasaya ko pa rin kahit wala akong crown na napatunayan ko na kaya ko! Kaya ko tumayo sa sarili ko at gumawa ng pangalan para sa sarili ko.”

PAK: Hindi pa natapos ang konting salu-salo sa 27th birthday ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla, isinugod na ito sa hospital dahil sa inatake siya ng matinding Migraine.

Bago ang pananghalian sa may Custodial Center ng Camp Crame na kung saan naka-detain si Sen. Bong Revilla, nagkaroon muna ng prayer and worship service na kung saan si Jolo ang nagbigay ng opening prayer. Nagpapasalamat siya sa Diyos sa pangalawang buhay na ibinigay sa kanya dahil alam daw niyang marami pa siyang dapat gawin para sa sarili, sa kanyang pamilya at higit sa lahat sa mga taga-Cavite.

Hindi pa tapos ang pananghalian na dinaluhan ng ilang malalapit na kaibigan, inatake na ng Migraine si Jolo dahil sa matinding init sa Camp Crame. Dinala siya ng hospital, pero kinagabihan ay inilabas din dahil medyo okay na raw ang pakiramdam nito. Si Jodi Sta. Maria ang aligaga sa pag-asikaso kay Jolo.

BOOM: As of presstime, hinihintay pa rin namin ang statement na ilalabas ng kampo ni Albert Martinez pagkatapos nangyari ang insi­denteng nagagalit si Amalia Fuentes sa cremation kay Liezl Martinez.

Nagagalit si Amalia dahil sa hindi man lang daw nabigyan ng halaga sila ni Romeo Vasquez sa eulogy para kay Liezl. Hindi man lang daw sila nabanggit ni Romeo sa programa kaya masamang-masama ang loob nito. Sabi ni Amalia, irreplaceable si Liezl sa kanya. Samantalang puwede naman daw mag-asawa uli si Albert, at ang mga apo niya ay puwedeng mag-asawa rin at magkaroon ng bagong pamilya at magkaroon ng mother in law. Samantalang siya raw ay walang puwedeng pumalit sa nag-iisa niyang anak. Hindi man lang daw sila nabigyan ng tamang pagpapahalaga.

vuukle comment

ALBERT MARTINEZ

AMALIA

AMALIA FUENTES

BINIBINING PILIPINAS

BONG REVILLA

CAMP CRAME

CAVITE VICE GOVERNOR JOLO REVILLA

CUSTODIAL CENTER

JOLO

KAPUSO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with