^

PSN Showbiz

Sharon nainggit kina Richard at Jodi, bilib na bilib kay Coco

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Matutuwa ang Sharonians sa message sa kanila ni Me­gastar Sharon Cuneta na balik-showbiz na. Sabi nito: “Ang laki-laki ng utang na loob ko sa inyo and thank you sa ginagawa niya to lift my spirit. Grateful ako sa kanilang lahat.”

Sa March 14 na magsisimulang mapanood si Sharon sa Your Face Sounds Familiar. At bukas, Thursday na ang start ng taping at balita namin, si Sharon ang unang gagayahin ni Karla Estrada, kaya siguradong magiging masaya ito.

Excited si Mega sa paghihintay ng next projects na ilalatag sa kanya, lalo na nga­yon na she’s open to any project. Naikuwento nitong habang nasa States siya at nagbabakasyon, nasubaybayan nito ang Be Careful With My Heart. Na-in love siya kina Jodi Sta. Maria, Richard Yap at Kute na ginampanan ni Aiza Se­guerra. Nag-wish siyang sanay may ganu’n siyang show.

Nabanggit din ni Sharon na favorites niya sina Coco Martin at Daniel Padilla at bumilib si Sharon sa nangyari sa buhay ni Coco at ang tulong na ginawa sa kanya ni Biboy Arboleda. Ikatutuwa ni Sharon kung makakatrabaho niya sina Coco at Daniel in the future.

Raymart at Claudine ‘nabuo’ uli ang pamilya

Ikinatuwa ng followers ni Claudine Barretto na makita ang pictures ni Raymart Santiago sa kanyang Instagram (IG) account, kasama ang mga anak nilang sina Sabina at Santino. Kahit isang araw lang, nakumpleto ang kanilang pamilya dahil sumali ang ex-couple at dalawang anak sa isang fun run.

Umaasa ang followers ng dalawa na kahit hindi na sila magkabalikan, ma­ging maayos sana ang kanilang samahan at wala na sanang gulo sa pagitan nila kahit may mga kaso pa silang hinaharap.

Samantala, beach scene ang mga ek­senang napapanood sa Second Chan­ces at wish ng fans ni Raymart, bago matapos ang beach scene, makita nilang muli ang magandang katawan ng aktor. Pero madi-disappoint ang nagre-request dahil matatapos ang beach scene na hindi maghuhubad si Bernard (Raymart).

Maja proud na proud kay Gerald

Birthday ni Gerald Anderson noong March 7 at isang napaka-sweet birthday message ang ibi­ni­gay ng GF niyang si Maja Salvador na idinaan sa IG. Kinilig tiyak si Gerald nang mabasa ang birthday message ni Maja na “Happiest birthday to the man who owns my heart. I’m proud of you pogi. Sa lahat ng nangyari at mangyayari pa­sayo patuloy lang akong magi­ging proud sayo.” #LoveKitaSabiNgPusoKo.

Siguradong proud din si Gerald sa achievements ng GF at kinikilalang mahusay na aktres. Sa March 16, muling mapapanood si Maja sa primetime bida ng ABS-CBN na Bridges of Love, kung saan, ang karakter niyang si Mia ay pag-aagawan ng hindi magkakilalang magkapatid na sina Gael (Jericho Rosales) at Carlos Antonio (Paulo Avelino).

Gabbi ayaw gamitin ang pagkakaibigan nila ni Julia

Hindi lang pala isa, kundi tatlo ang magiging anak ni Gabby Eigenmann sa InstaDad at puro pa babae. Leading ladies ang pabirong tawag ni Gabby kina Gabbi Garcia, Jazz Ocampo, at Ash Ortega.

Si Gabbi ay ka-love team ni Ruru Madrid, pinag­hiwalay muna ang dalawa habang inihahanda ang pagbibidahan nilang primetime series. Isinama mu­na si Gabbi sa InstaDad na airing na sa March 22, pagkatapos ng Sunday All Stars.

Magandang bata, matangkad, naggigitara, at kumakanta si Gabbi na nakakontrata sa GMA Artist Center. Malaki ang plano ng GMA-7 sa kanya at sa tambalan nila ni Ruru na isusunod i-launch kina Miguel Tanfelix at Bianca Umali.

Samantala, ‘wag pagtakhan kung isa si Gabbi sa mga bisita ni Julia Barretto sa debut nito kagabi. Magkaklase ang dalawa sa St. Paul’s Pasig at close sila na laging magkasama sa pictures na nakita namin sa social media.

In fairness kay Gabbi, in an earlier interview, hindi nito binanggit na kilala, kaklase, at kaibigan niya si Julia. Nabasa lang namin na classmates sila at nakita ang pictures at videos nila habang nasa school.

Kahit nakabalik na ng Kapuso Aljur hindi na talaga makakasama si Alden sa pelikula

Nakita namin si director Adolf Alix, Jr., sa CCP after ng Juego de Peligro at inalam namin sa kanya kung ibabalik niya si Aljur Abrenica sa cast ng indie film na Cain at Abel ngayong medyo okay na ang aktor sa GMA Network.

Sagot ni Direk Adolf, sina Mark Herras at Alden Ri­chards pa rin ang mga bida ng kanyang pelikula. Hindi na ito magbabago kahit back sa GMA-7 na si Aljur.

vuukle comment

ADOLF ALIX

AIZA SE

ALDEN RI

ALJUR ABRENICA

GABBI

MAJA

RAYMART

SA MARCH

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with