^

PSN Showbiz

Vice Ganda masaya at inspirado sa bagong lalaki!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Aminado si Vice Ganda na mayroong lalaking nagpapasaya sa kanya ngayon. “Inspired ako. Masayang-masaya po ako ngayon. May taong nag-i-inspire sa akin pero hindi ko na ipapaalam sa inyo kung sino. Ire-reserve ko na sa sarili ko basta lalaki siya,” makahulugang pahayag ni Vice.

Nilinaw ng komedyante na hindi pa niya karelasyon ang lalaking nagsisilbing inspirasyon niya. “Lahat tayo laging inspired, hindi dapat kinakailangan dyowa mo ‘yung tao, na kailangan may relasyon sa ‘yo ‘di ba? Puwedeng ‘yung tao gustong-gusto mo, nai-inspire ka niya everyday. Hindi kailangan meron kayo talagang relasyon,” paliwanag ni Vice.

Sa darating na Valentine’s day ay wala pang plano si Vice kung paano ito ipagdiriwang. Ibinibigay daw ni Vice ang lahat-lahat sa taong minamahal niya. “Oo, super effort ako, ang dami ko na ngang nabigay do’n. Hindi ko nire-require at hindi ko dine-demand na ‘yung amount ng pagmamahal ko at kung ano ‘yung ibinibigay ko sa kanya ay makuha ko pa pabalik, mali ‘yun. Mababaw ako, sobrang babaw. Padalhan nga lang ako ng pares eh nagsisisigaw na ako. I-date nga lang ako sa parking area, masayang-masaya na ako,” giit ni Vice.

Richard tanggap na hindi para kay AiAi

Kamakailan ay napabalitang magsasama sa isang Valentine show na may titulong Ai Heart Papa sina AiAi delas Alas at Richard Yap. Nakagawa na rin ng mga billboards at mga poster nang pumutok ang balitang hindi na makakasama si Richard para rito. “Iba nang mga papa ang guests. Sina JC de Vera and Aljur Abrenica, and ang aking talent na si Sancho Vito at si Sofia in a very special participation. Nagkaroon lang ng technical problem ‘yung kay Papa Richard. So nag-iba na kami ng guest kasi hindi na nahabol si Papa Richard,” paliwanag ni AiAi.

“Nadagdagan ng dalawang songs ang lineup namin. Tapos mayroon ng surprise guest, nadagdag din at ang mga anak ko nadagdag din,” giit ng Comedy Concert Queen.

Maayos naman daw na nakapag-usap sina AiAi at Richard pagkatapos ng mga nangyaring problema. “Between AiAi and I, there is nothing wrong. It’s a technical issue between the producer of the show. Walang diperensya sa amin ni AiAi. There will always be another time, okay lang naman,” paliwanag ni Richard.

Humingi rin ng paumanhin ang aktor para sa mga tagahangang nanabik na mapanood silang dalawa ni AiAi para sa nasabing show. “We are really very sorry na nangyari ito. It’s something that is unavoidable, it’s beyond our control. So hopefully next time matuloy na ang show namin. As of now, hindi na talaga kaya na sumali pa kami doon sa show ni Ms. Ai so I wish her the best of luck sa show,” nakangiting pahayag ni Richard.

Sa Solaire Resort and Casino gaganapin ang concert sa February 12. Reports from JAMES C. CANTOS

                                          

vuukle comment

AI HEART PAPA

AIAI

AKO

ALJUR ABRENICA

PAPA RICHARD

RICHARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with