^

PSN Showbiz

Hindi lang sa basketball humahataw sa Amerika, Kobe Paras ang tataas din ng grade!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

Hayden atat na ring makipag-ayos kay Katrina!

PIK: Maraming mga taga-showbiz na Katoliko ang excited sa pagdating ng Santo Papa ngayong araw.

Isa na rito si Paolo Contis na kinukulit kami kung paano makahingi ng ticket sa SM MOA para makapasok at makita si Pope Francis.

Wish daw niyang makita ang Santo Papa at baka suwertehin siyang makalapit para maabot niya ang sulat na inihanda niya.

Meron daw siyang sulat na nais iparating kay Pope Francis. Pero hanggang ngayon ay wala pang linaw kung makakapunta si Paolo.

PAK: Isang proud Daddy na Benjie Paras ang nagkuwento sa amin nang nakatsikahan namin sa Thanksgiving party ng Dickies kamakalawa ng gabi.

Nanalo ang team ni Kobe Paras na Cathedral Phantoms laban sa Diamond Ranch nu’ng nakaraang linggo. Naging viral sa Internet ang laro roon ni Kobe na malaki ang nagawa para manalo ang kanyang team.

Ang ikinatuwa pa niya ay nandun daw si Andre na nagbakasyon at pinanood ang naturang laro.

Habang naglalaro raw si Kobe ay ina-update ni Andre si Benjie kaya nalalaman niya agad ang latest sa kanyang anak.

Ipinagmamalaki ni Benjie na hindi lang daw sa paglalaro nag-excel ang kanyang anak kundi pati sa pag-aaral. Kaya nami-maintain ang scholarship ni Kobe dahil maganda raw ang standing nito sa school.

“I’m very proud of him not being an athlete but being a good student,” pahayag ni Benjie.

Nilinaw na rin ng komedyante na kung kailangan daw ng National team si Kobe, makakauwi raw siya rito para maglaro.

“Ang nakakatuwa run, everytime na kailangan siya ng national team dito para mag-compete, umuwi siya. Like last August, umuwi siya rito.

“Hopefully this year meron na namang tournament ang national team, kakailanganin na naman siya,” dagdag pang pahayag ni Benjie.

BOOM: Masaya si Dr. Hayden Kho nang nabalitaan niyang nagkabati na sina Katrina Halili at Dra. Vicki Belo.

Nakausap namin si Dr. Hayden sa presscon ng mga bagong show ng TV5 kung saan kabilang doon ang show niyang Healing Galing kasama si Dra. Edinell Calvario.

Natuwa ang kontrobersyal na doktor nang nalaman din niyang handa na raw si Katrina na makipagbati sa kanya.

Pero ikinuwento na rin ni Dr. Hayden na sinubukan raw niyang makipag-ayos kay Katrina pero hindi pa raw ito handa.

Pahayag ni Dr. Hayden: “Sa totoo lang, nag-reach out na rin naman ako kay Katrina. Late last year lang.

“Hindi ko alam kung totoo, pero ang sabi sa akin na in-ask ko, dalawang tao na kasi ang in-ask ko, sabi lang sa akin hindi pa raw siya ready. So, I respect that. Baka nitong kasal ni Dingdong (Dantes) ready na siya, hindi ko lang alam. Siguro susubukan ko na lang ulit.

Sabi pa niya: “Matagal ko nang gusto eh. Minsan kasi ang problema kung meron kang sama ng loob hindi mo mailabas eh. So, kung meron pa siyang sama ng loob, gusto ko marinig ‘di ba? Para…not just for my sake, but also for her sake.”

vuukle comment

BENJIE

BENJIE PARAS

CATHEDRAL PHANTOMS

DIAMOND RANCH

DR. HAYDEN

KOBE

POPE FRANCIS

SANTO PAPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with