^

PSN Showbiz

Mga ikakasal sa showbiz wala pa ring awatan ngayong 2015

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Tulad ng mga nakaraang taon, ang natapos na 2014 ay hitik din ng maraming kontrobersiya at malalaking balita sa industriya ng showbiz pero kapansin-pansin din sa taong nagtapos ang napakaraming showbiz weddings among celebrity couples.

Sinimulan ng long-time sweethearts (10 years) na sina Drew Arellano at Iya Villania ang taong 2014 nang sila’y ikasal nung hapon ng January 3 sa Meditation Point ng Kawayan Cove sa Nasugbu, Batangas na sinundan ng kanilang wedding reception sa Bamboo Beach Club.

Buwan naman ng Marso, (March 21) ay ikinasal ang panganay ni Zsa Zsa Padilla na si Karylle Tatlonghari sa kanyang nobyong si Yael Yuzon ng Sponge Cola na ginanap sa San Antonio de Padua Church sa Silang, Cavite habang ang wedding reception ay ginanap sa Angelfields Nature Sanctuary sa  Tagaytay City. Four days later ay muling nagpakasal ang dating beauty queen (for the second time) na si Miriam Quiambao sa author-entrepreneur na si Eudardo “Ardy” Roberto na ginanap sa Glass House, Ville Sommet, Tagaytay City. Si Ardy ay isang widower habang si Miriam naman ay isang divorcee sa kanyang first husband, ang Italian executive na si Claudio Rondinelli.

Buwan din ng Marso, (March 8) nang i-celebrate ng mag-asawang Alvin Patrimonio at Cindy Conwi ang kanilang ika-25th wedding anniversary na ginanap sa Blue Leaf Pavilion sa Taguig City.

May 1 naman nang magpakasal sina Jericho Rosales at Kim Jones na ginanap sa Shangri-la Boracay Resort and Spa sa Boracay Island, Malay Town, Aklan.

June 14 naman nang muling ikasal ang biyudang si Boots Anson Roa sa biyudong abogadong si Atty. King Rodrigo na ginanap sa Archbishop Pa­lace and officiated by Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle.

Buwan ng Oktubre lamang inamin ng couple na sina Jennica Garcia at Alwyn Uytingco na sila’y nagpakasal na nung February 12 na ginanap sa Victory Church in Greenhills, San Juan. Buwan din ng Oktubre nang aminin ng aktres na si Nadine Samonte na kasal na siya noong isang taon, October 30, 2014 sa kanyang nobyong si Richard Chua, ang kaisa-isang anak ng aktres na si Isabel Rivas at ang wedding nila ay ginanap mismo sa malawak na kalupaan at taniman sa Zambales na pag-aari mismo ni Isabel.

November 29 naman nang magpakasal ang actor na ni Joross Gamboa sa kanyang live-in partner na si Katz Saga sa isang Christian-garden wedding na ginanap sa Fernbrook Gardens sa Alabang, Muntinlupa.

December 4 nang magpakasal ang TV host na si Bianca Gonzales sa kanyang cager boyfriend na si JC Intal na ginanap sa Palawan na sinundan ng isang big reception na ginanap sa loob mismo ng Araneta Coliseum last December 10.

December 8 ang red letter day ng same sex couple na sina Aiza Seguerra at Liza Dino na nagkaroon ng intimate wedding ceremony sa California, USA na magkakaroon ng symbolic wedding ceremony sa Pilipinas on January 8, 2014.

December 13 nang magkaroon ng civil wedding ceremony ang controversial couple na sina Neri Naig at ang front man ng Parokya ni Edgar na si Chito Miranda na sinundan ng isang garden wedding sa Tagaytay City kinabukasan, December.

Nagtapos naman ang taon ng kasalan among showbiz couples nang ikasal last December 30 ang tinaguriang Kapuso Primetime King & Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera na ginanap sa Immaculate Conception Cathedral sa Cubao, Quezon City na sinundan ng isang grand reception na ginanap sa SM MOA Arena.

Bago nagtapos ang taong 2014, naging sunud-sunod din ang mga wedding proposals among showbiz couples kaya magpapatuloy sa taong 2015 ang “Wedding Year” na sisimulan nina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista on February 15, 2015.

Personal

Ang aking taos pusong pasasalamat, una sa Diyos na muli Niyang ibinalik ang aking paningin, sa aking mga doctor and nurses sa UST Hospital who took care of me round-the-clock, my daughter Aila Marie Reyes who flew in from Tokyo, Japan, my family, relatives, and friends who took time out to visit me sa hospital sa kabila ng Kapaskuhan, Mara­ming salamat kina Niño, Alessandro, and Alonzo Muhlach, Diane Abby Tupaz, Jojo Gabinete, Glenn Redondola.

vuukle comment

AILA MARIE REYES

AIZA SEGUERRA

ALONZO MUHLACH

BUWAN

GINANAP

ISANG

NANG

TAGAYTAY CITY

WEDDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with