^

PSN Showbiz

Pagkatapos nina Dingdong at Marian kasalang Sen. Chiz at Heart naman ang binabantayan

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

After ng wedding nina Dingdong Dantes at Ma­rian Rivera last December 30, 2014 ang susunod na aabangang kasal ay kina Aiza Seguerra at Liza Diño sa January 8, 2015 at ang kasal nina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista sa February 15, 2015 sa Balesin Island sa Quezon.

Nag-post pala si Heart sa Instagram (IG) ng pictures ng wedding gowns ni Leo Almodal, isa ring top Filipino designer. Ang mga gawa nitong gowns ay isinuot nina 2013 Miss World Megan Young, 2014 Miss Universe-Philippines MJ Lastimosa, 2014 Miss World Philippines Valerie Weigmann, at 2014 Miss Earth Jamie Herrel.

Ang dating sa followers ni Heart ng kanyang pagpo-post ng bridal gowns ni Leo Almodal, hindi na ang wedding gown ni Monique Lhuillier ang isusuot sa kanyang kasal. Pero nauna nang pinost ni Heart ang picture niya na nagpi-fitting sa shop ni Monique Lhuillier. Puwedeng sa wedding reception, gown na gawa ni Almodal ang isuot ni Heart.

Anyway, nasa Amerika pa si Heart ngayon, nagbabakasyon kasama si Sen. Chiz at mga anak nito. Nag-i-enjoy sila dahil pagbalik ng bansa, ang wedding na ang kanilang aasikasuhin.

Eric idi-direk ang bagong ‘darling’ ng Kapamilya

Balik-acting si Director Eric Quizon sa ABS-CBN primetime series na OMG! (Oh My G!) na bida si Janella Salvador. Daddy siya ni Janella at sinabi nitong, “so cute sa show ang young actress” at si Janella rin daw ang magiging New Darling of Philippine Television ‘pag umere na ang series sa January 2015.

Si Eric din ang director ng Pasion de Amor na nagtatampok kina Ellen Adarna, Coleen Garcia, Arci Muñoz, JC de Vera, Joseph Marco, at Jake Cuenca. Paseksihan ang mga babae at lalaking cast ng show na ito.

Kay Eric nga maitanong kung sa tingin niya, may nabago sa face ni Arci. Pinag-uusapan ang tungkol dito sa social media dahil sa malaking ipinagbago ng mukha ng aktres.

Keempee itinatago ang dalaga

Hindi pa man airing ang Once Upon a Kiss, nag-last taping day na si Keempee de Leon dahil ang karakter niyang si Jimmy ay sa pilot week lang lalabas. Ganu’n pa man, nagpasalamat pa rin si Keempee na napasama sa cast at itinuring na isa sa blessings ang show bago magtapos ang 2014.

Looking forward si Keempee for a brighter 2015 at ang wish nito, makasama muli si Manilyn Reynes sa soap at mas mahaba ang kanilang pagsasama. First time pala nilang nagsama sa soap, kaya lang, isang linggo lang dahil ang nasa script, mamamatay ng maaga ang majority sa male characters ng soap para ipakita ang strength ng female characters.

Samantala, may 18-year-old daughter na pala si Keempee na si Sam, pero iniingatan nito ang privacy ng anak at kahit sa Instagram (IG) niya ay wala itong litrato. Pero sabi ni Keempee madalas na nakikita ang anak niya, hindi lang nakikilala at isinasama ni Joey de Leon sa bakasyon sa ibang bansa.

Hindi masabi ni Keempee kung magsu-showbiz din ang anak na US citizen pala.

Bimby itutuloy na ang career?!

Cute ang naisip na title ni KC Concepcion para kay Bimby Aquino Yap na Box Office Baby dahil sa kinita ng Praybeyt Benjamin 2. Walang nire-release na official result ang MMDA (Metro Manila Development Authority), pero may nabasa kaming sa third day ng MMFF, kumita ng P157M ang movie nina Bimby at Vice Ganda.

Hinihintay na ng fans ni Bimby ang next movie nito at ang request nila kay Kris Aquino, ‘wag paa­butin sa 2015 MMFF dahil mami-miss nilang mapanood ito sa big screen.

Kasisimula pa lang ng taon, hintayin natin ang Star Cinema at si Kris kung ano ang plano nila sa movie career ni Bimby. Sa ngayon, nasa Hokkaido, Japan ang mag-ina kasama si Josh at ini-enjoy ang snow. Umalis sila after ng wedding nina Dingdong Dantes at Marian Rivera para sa Japan at sa piling ng snow mag-New Year.

vuukle comment

AIZA SEGUERRA

ARCI MU

BIMBY

DINGDONG DANTES

KEEMPEE

LEO ALMODAL

MONIQUE LHUILLIER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with