^

PSN Showbiz

Chef Boylet kanya-kanyang paandar

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dalawang cute na cute na young chefs na naman ang magpapasiklaban sa cooking ngayong Miyerkules!

Kilalanin ang pambato ng Mandaluyong na si Daryll na sa sobrang hilig sa  pagluluto, pangarap makapag-culinary school balang araw at ang makaka-showdown niya, ang kiddie cook ng Taytay, Rizal na pangarap namang ma­ging kapitan ng barko someday!

Tikman ang sarap ng mga paandar na recipes na baon nila. Si Daryll  gagawa ng Japanese inspired Beef Teriyaki Steak, habang si John Rey naman ibibida  ang Bicolano roots niya sa paghahanda ng Laing con Hipon!

Alin sa dalawang panalong dishes ang mas papasa sa panlasa ng mga hurado? Sigurado namang mapapasayaw tayong lahat ngayong Huwebes sa isa na namang masayang cooking showdown ng mga cute kids sa ikalawang daily rounds ng Chef boylet ngayong linggo!

Maghaharap sa kusina ang Math Wizard ng Pasig na si Oliver Judal at ang Sports Genius na si Paopao Dimaano! Bawat isa, may paandar na dish na si­guradong magpapabilib sa mga judge! Si Oliver, maghahanda ng special Pizza Spring Rolls niya  habang si Paopao naman, magpapakitang-gilas  sa  paghahanda ng kanyang Seafood kare-kare! Isa na naman itong nakakatuwang kitchen battle para malaman kung sino ang tatanghaling Chef Boylet! Kaya tutok na sa Basta Every Day Happy!

vuukle comment

BASTA EVERY DAY HAPPY

BEEF TERIYAKI STEAK

CHEF BOYLET

JOHN REY

MATH WIZARD

OLIVER JUDAL

PIZZA SPRING ROLLS

SI DARYLL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with