^

PSN Showbiz

Townhouse na binili ni controversial actress kapit-bahay lang ng itinatagong BF!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Umalis na sa inuupahang condominium ang isang aktres dahil nakabili na ito ng townhouse. Maganda ito dahil ibig sabihin umasenso ang aktres at mula sa pangungupahan, may sarili na siyang bahay.

Kaya lang, maiintriga pa rin ito dahil ang nabiling townhouse ay nasa same area kung saan nakatira ang sinasabing boyfriend ng aktres. Controversial ang relasyon ng dalawa dahil pareho silang may kani-kanyang karelasyon nang magkagustuhan at kinailangang hiwalayan ang mga karelasyon.

Kahit itinatanggi ng aktres at aktor na sila’y may relasyon, naniniwala pa rin ang mga brineyk nilang partner na sila pa rin. For sure, pati sila naghihintay kung kailan aaminin ng controversial couple ang kanilang relasyon.

Solenn natatawa ‘pag kahalikan si Alden

Four kissing scenes ang bilang ni Alden Ri­chards sa kissing scene nila ni Solenn Heussaff sa Ilustrado. Sabi ng aktor, malambot ang labi ng aktres, kaya lang, nailang siya dahil ‘pag kinukunan ang eksena nila lumilipat kay Solenn ang kanyang bigote. Nagkakatawanan na lang silang dalawa.

Magtatapos na ngayong linggo ang Ilustrado, pero hindi makakalimutan ni Alden ang nagawa ng bayaniserye sa kanya. Malaking fulfillment ang ibinigay sa kanya ng project at ito ang pinaka-highlight sa three years and 10 months niya sa showbiz.

Karamihan sa eksena sa Ilustrado, ginamitan ng green screen at asin, kung saan sila nakatayo ng cast, pero pagdating sa screen, ibang-iba na. Kaya bumilib siya sa husay at galing ng production team.

Biro ni Alden, hindi na siya laspag sa sabay na taping ng Ilustrado at Bet ng Bayan, kaya humihingi na ng bagong soap sa GMA 7. Bibili kasi siya ng bahay sa Sta. Rosa, Laguna, sa likod ng Nuvali for his family. Ang Christmas wish niya ay matuloy ang balak na pagbili ng bahay.

Jasmine hindi mahanapan ng kapareha sa My Fair Lady

Gagawin ni Jasmine Curtis sa TV5 ang adaptation ng Korenovela na My Fair Lady, kaya lang, wala pang mahanap ang network na leading man ng aktres. Hindi na puwedeng mahiram si Sam Concepcion dahil may serye itong gagawin sa ABS-CBN.

May nakatakda ring gawing pelikula sa Unitel si Jasmine sa direction ni Yam Laranas. Hindi pa alam ang title ng movie, pero in English ang script. Sa December na raw sisimulan ang shooting ng movie na for next year ang play date.

Uunahin ni Jasmine ang pagtulong sa promo ng Bonifacio: Ang Unang Pangulo na entry sa Me­tro Manila Film Festival (MMFF). After this, mag­ba­bakasyon muna siya at saka gagawin ang pelikula na may pagka-psycho thriller daw.

StarStruck sa summer na eere

Totoo ba ito? Naurong daw sa summer ang pagbabalik ng StarStruck VI dahil ang paniwala ng GMA 7, mas marami ang manonood ng reality show sa summer, kung saan, bakasyon ang mga bata.

Ang original schedule ng SS VI ay sa January 2015 sana at nagpa-audition na nga nationwide at patuloy ang audition. Dahil na-move to a later date, baka mapahaba ang audition.

Sa pagbabago ng date ng SSVI, mapapahaba rin ang honeymoon nina Dingdong Dantes at Ma­rian Rivera. Si Dingdong kasi ang main host ng reality search at pinipili pa ang magiging female co-host niya. May nabanggit na panga­lan, pero hindi pa kumpirmado.

 

vuukle comment

ALDEN RI

ANG CHRISTMAS

ANG UNANG PANGULO

DAHIL

DINGDONG DANTES

ILUSTRADO

JASMINE CURTIS

MY FAIR LADY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with