^

PSN Showbiz

Miss Earth 2013 biglang hindi na raw kilala si Paulo

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Ni halos hindi matandaan ni Miss Earth 2013 Alyz Henrich ang aktor na si Paulo Avelino na minsan ay na-meet niya, and yet nili-link na agad daw silang dalawa. Kung may kaibigan sa showbiz ang beauty queen na taga-Venezuela ito ay si Pinoy Big Brother (PBB) grand winner na si Daniel Matsunaga. Mas natatandaan ito ng beauty queen at mas maituturing niya itong kaibigan kaysa sa sinasabing “boyfriend” ni KC Concepcion.

Speaking of Daniel, may pelikula na rin ito matapos ang mahabang paghihintay. Sinasabi kong mahaba dahil mas nauna pang magkaro’n ng mga acting projects sa kanya ang mga nakasama niyang housemates sa PBB. Isa pang hinihintay na magkaron ng movie o teleserye ay ang isa ring big winner sa PBB at girfriend ni Jason Abalos na si Vicki Rushton. Kasama si Daniel sa cast ng Past Tense kasama sina AiAi delas Alas, Xian Lim, at Kim Chiu.

Alex at Toni pati na rin sina Ryan at Juday maglalabanan sa award!

Inilabas na ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ang opisyal nilang listahan ng nga nomi­nado sa nalalapit na Star Awards for TV na ma­gaganap sa Nob. 23, sa grand ballroom ng Solaire Resort and Casino, 7:00 p.m.

Nangunguna ang Ikaw Lamang, at Legal Wife ng ABS-CBN, at Ang Dalawang Mrs. Real ng GMA sa mga nominadong programa kasama na ang mga artistang lumabas dito. Magbabanggaan naman sa Best Comedy Actress ang magkapatid na Toni at Alex Gonzaga at matindi ang magiging labanan ng mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos bilang Game Show Host. Iluluklok na ang Bubble Gang sa Hall of Fame. Magsisilbing host sa Gabi ng Parangal sina Piolo Pascual, Kim Chiu, at Enchong Dee.

Nurse-rapper na sumikat sa internet, isasabuhay ni MAxene

Nurse-rapper ang karakter na bibigyang buhay ni Maxene Magalona sa kanyang kauna-unahang Maalaala Mo Kaya episode sa ABS-CBN na mapapanood ngayong gabi.

Gaganap si Maxene bilang si Fatima Palma na sumikat kamakailan sa Internet dahil sa isang video kung saan makikita siyang kumakanta at nagra-rap para sa kanyang pasyente sa ospital.

 Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Raz dela Torre at panulat nina Sarah Jell Badayos and Benjamin Benson Logronio.

Nadine hindi pa rin malimot ang kasal nila ng anak ni Isabel Rivas

Walang kaabog-abog at halos walang funfare, pero nagawang magsabi ng “I Do” ni Nadine Samonte sa  kanyang nobyo na si Richard Chua, anak ng aktres na si Isabel Rivas. Ang napakapribadong kasalan ay ginanap sa farm ng pamilya nila Isabel sa Zambales na dinaluhan lamang ng malalapit na kaibigan at kamag-anak. Ang fruit farm ay matatagpuan sa isang mataas-taas na lugar by the sea at very ideal para sa isang event tulad ng wedding. Hanggang ngayon ay feel pa rin ni Nadine ang privacy ng kanyang kasal matapos ang isang taon, na talaga namang naging mas romantiko pa dahil sa kapaligiran. Ikinasal sila October 30 noong nakaraang taon.

Balik naman agad sa kanyang trabaho sa ABS-CBN si Nadine.

vuukle comment

ALEX GONZAGA

ALYZ HENRICH

BENJAMIN BENSON LOGRONIO

BUBBLE GANG

COMEDY ACTRESS

ISABEL RIVAS

KIM CHIU

NADINE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with