^

PSN Showbiz

I Do ni Juday may season 2 na agad!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Sino sa two power couples ang gusto n’yong mabigyan ng libre at bonggang kasalan,  sina Chad at Shiela ba o sina Jimmy at Kring?

Nanghihinayang ako dahil made na ang mind ko na iti-text vote ko, totoo nakikisali din ako sa text voting ng mga reality search ng ABS-CBN tulad nung ginawa ko nang padalhan ko ng maraming boto sina Melai Cantiveros at Mariz Racal sa PBB search. Dito sa pinaka-latest reality search nilang I Do, I would have done the same  para sa nag-back out na pareha, pero ‘yun nga sa hindi nila matukoy na kadahilanan dahil masyado raw personal, umatras sila Cris at Karen.

Okay nang umatras sina Cris at Karen, pero parang unfair na sa ginawa nilang guesting sa Aquino & Abunda Tonight ay ikinampanya nila sina Chad at Shiela. Sa pagiging pabor nila sa dalawa parang kinawawa naman nila ang tambalan ng Koreanong si Jimmy at ang partner nitong si Kring. Matatalo ba ang dalawa dahilan lamang sa suporta ng umatras na pareha?

Pero hindi ko rito ibinase ang dahilan kung bakit susuportahan ko sina Jimmy at Kring kundi sa pang­yayaring pinasaya nila nang husto ang pano­nood ko ng kanilang programa sa episode na kung saan ay kinailangan nilang manghuli ng isang bibe bilang challenge at dahil may fear sa mga ibon at mga hayop na may pakpak si Jimmy kung kaya ki­na­­ilangan niyang ipagkatiwala kay Kring ang paghuli ng bibe,  pero dalawang oras ito naganap makaraang matapos ng task ang pinakahuling couple. At kung hindi pa ito sapat, naramdaman ko ang ka­­ni­lang kasimplehan at katapatan sa pagsagot sa ta­nong ng media nang humarap sila sa mga ito li­mang araw bago ang final episode. Okay din naman sina Chad at Shiela, pero I will still give my text votes to Jimmy & Kring na hindi man daw manalo ay magpapakasal sa taong ito.

Isang masaya at bonggang kasalan ang magi­ging hangganan ng reali­ty search na tinutulan ko nung una dahil parang kinukunsinti ang pagli-live in ng mga  magdyowa. Kasal nga ang isa sa mga prem­yo ng tatanghaling grand couple pero paano naman ‘yung iba na bumibilang na ng mga taon na nagsasama sa iisang bubong nang hindi kasal? Sina Cris at Karen, kinailangan umatras at tanggi­han ang napakalalaking premyo na ma­papasa-ka­nila sana dahil hindi pa sila handang magpakasal.

Ang mga pamosong  tagadisenyo ng mga kasu­otan na sina Paul  Cabral, Pepsi Herrera, at Randy Ortiz ang tatahi ng mga isusuot ng mga ikakasal sa Nobyembre 12 pero masasaksihan sa TV sa Nob 15. Syempre, isa sa magiging ninang ang napaka-able na host ng programa na si Judy Ann Santos na muli ay nagpakita ng isa pa niyang talent, ang pagiging isang TV host. Hindi kaya ma-insecure sa kanya ang napakagaling niyang asawa na inamin ni Juday ay numerong unong kritiko at mentor niya, si Ryan Agoncillo?

Hindi pa man natatapos ang reality search ay inamin na ni Juday na may Season 2 na ito. At kung sa pamamagitan ng programa ay ma-inspire at ma-realize ng maraming live in couples na maraming ma­ga­gandang dahilan para sila magpakasal, at kahit minsan isang taong ay may maipakasal ang show, mababawasan ang mga nagli-live nating pa­reha.

 

 

vuukle comment

ABUNDA TONIGHT

I DO

KRING

SHIELA

SHY

SINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with