^

PSN Showbiz

Jericho walang alam sa pag-back out ni John Lloyd sa kanilang serye

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

May bulung-bulungan na nag-backout diumano si John Lloyd Cruz sa bagong teleserye na Bridges. Kamakailan ay napabalita nang kasamang magbibida ng aktor sa nasabing proyekto sina Jericho Rosales at Maja Salavador. Nagbigay ng pahayag si Jericho tungkol sa isyu. “Well, I can’t release any official statement as of now. ‘Di ako na-instruct na mag-release ng any information about it, but all I can say is tuloy ‘yung show at nagsu-shoot kami ngayon. In fact, this week meron kaming isa pang shoot,” bungad ni Jericho. Mayroon na kayang napiling ipapalit kay John Lloyd kung sakaling hindi na makakasama ang aktor sa bagong soap opera? “I’ll just wait for the station to announce whatever,” makahulugang sagot ni Jericho.

Masasabing ito ang reunion TV project nina Jericho at Maja pagkatapos ng The Legal Wife noong Hunyo. “Sobrang saya namin ni Maja na magkasama ulit kami, together with The Legal Wife team. We’re so blessed to have this show. Same makers siya ng Legal Wife. Siguro about 70 %, same team kami. This one, tungkol ito sa istorya ng magkapatid naman. Pero siyempre kasing ganda rin ng Legal Wife di ba? Makakaasa kayo ng talagang ginagandahan namin ‘yung show,” pagbabahagi ni Jericho.

Iginiit din ng aktor na ibang-iba ang atake ng mga karakter nila ni Maja kumpara sa nauna nilang seryeng pinagsamahan. “Makikita mo talaga, ibang-iba ‘yung characters namin, ‘yung ipo-portray namin. Malayung-malayo sa Adrian, malayong-malayo sa Nicole. Iba ‘yung relationship nilang dalawa dito. It’s a totally different story,” pagtatapos niya.

Jaya gustong magsulat ng libro

Abala na ngayon si Jaya sa paghahanda para sa isang special concert bilang pagdiriwang ng kanyang ika-dalawampu’t limang anibersaryo sa music industry. Sobrang excited na raw ng singer na muling kantahin ang mga awiting nagpasikat nang husto sa kanya. “Gusto ko lang mag-enjoy ang mga tao and to look back to everything that I’ve done for the past 25 years. Kasi minsan mayroon tayong slight memory lost. Nakakalimutan din nila what you’ve done and what you were known for. Ako music lang naman ang mahal ko na ginagawa. Masaya na ako noon kahit sa maliit na bar, sa malaking bar, sa akin bongga na ito,” nakangiting pahayag ni Jaya.

Samantala, bukod sa pagkanta ay mayroong ibang bagay na gustong gawin ang singer. “I’ve been thinking of writing a book. I swear to you marami ang makaka-relate at walang nakakaalam na pwede pala mangyari sa akin. I just don’t show, I just go along my life na parang okay lang ang lahat. Dapat handa ka bumagsak sa pagmumukha mo at tumayo ka. Kanino ka ba kakapit di ba? Marami ka pagdadaanan, di ka pwede umarte,” pagbabahagi ni Jaya.  Reports from JAMES C. CANTOS

 

vuukle comment

ABALA

JAYA

JERICHO ROSALES

JOHN LLOYD

JOHN LLOYD CRUZ

LEGAL WIFE

MAJA

MAJA SALAVADOR

SOBRANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with