^

PSN Showbiz

Johnny Midnight namatay na!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

John William Joseph Xeres-Burgos sa tunay na buhay ay sumakabilang-buhay noong nakaraang Linggo, October 5 sa Parañaque Hospital dahil sa sakit na prostate cancer. He was 73.

Huli namin siyang nabalitaan in 2008 nang masangkot ang anak niyang si Jorge Jordana sa tinaguriang “Alabang Boys” nung taong ‘yun na isa sa mga inaresto ng PDEA operatives along with Richard Santos Brodett at Joseph Ramirez Tecson pero sila’y pinakawalan din dahil na-dismiss ang kaso na isinampa laban sa kanila sa DOJ.

Habang wala pang regular show, Michelle nag-aaral ng pagluluto

In her ten years sa showbiz, ngayon lamang na­bigyan ng break ang aktres na si Michelle Madrigal na magbida sa isang pelikula (indie movie), ang Bacao mula sa panulat at direksiyon ng veteran director na si Edgardo “Boy” Vinarao. Ito’y maiden production ng Oro de Siete Productions na binubuo ng pitong magkakaibigang negosyante na magkaka-klase noong grade school.

Ang Bacao ay isa sa apat na film entries sa Sineng Pambansa National Film Festival 2014 ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) at nakatakdang ipalabas sa lahat ng  SM cinemas nationwide simula sa October 29, 2014.

Corn field ang salitang bacao.

Freelance actress na ngayon si Michelle dahil tapos na umano ang kanyang network contract with GMA kaya puwede siyang magtrabaho with other TV networks tulad ng ABS-CBN  kung saan siya nagsimula at maging ang TV5.

Habang naghihintay si Michelle ng kanyang bagong TV project ay nag-aaral siya ng culinary u­nder Chef Gene Gonzales ng Café Isabel.

Papasahan ng korona ni Megan malalaman na sa Linggo

Ngayong Linggo, October 12 at 6 p.m. na ang coronation night ng Miss World Philippines na gaganapin sa SM MOA Arena kung saan 26 candidates ang maglalaban-laban for the crown na siyang magiging kinatawan ng Pilipinas sa susunod na Miss World pageant kung saan ang 2013 reigning Miss World ay si Megan Young, ang kauna-unahang Filipina na nakakuha ng crown.

Darating sa bansa si Megan Young para siyang magputong ng mananalong 2014 Miss World Philippines.

Ang Miss World Philippines beauty pageant ay mapapanood sa GMA.

Ang national director ng Miss World Philippines na si Cory Quirino ay umaasa na sana’y balang araw ay ang Pilipinas ang mag-host ng Miss World beauty pageant na first time mangyayari kung saka-sakali.

vuukle comment

ALABANG BOYS

ANG BACAO

ANG MISS WORLD PHILIPPINES

CHEF GENE GONZALES

MEGAN YOUNG

MICHELLE

MISS WORLD

MISS WORLD PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with