^

PSN Showbiz

Nora gustong bawiin ang anak kay Tirso!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Naaliw naman ako sa isyu na ipinapasauli ni Nora Aunor kay Tirso Cruz III si Maria Leonora Theresa, ang manika na kinabaliwan ng fans nila noong dekada ’70.

Ilang dekada na ang nakalilipas buhat nang sumikat si Maria Leonora Theresa pero pinag-uusapan pa rin dahil hinahanap siya ng original na may-ari.

Nasaan na nga ba si Maria Leonora Theresa? May mga nagsasabi na missing na siya dahil namatay na si Mommy Elma, ang nanay ni Tirso na naging care taker niya.

Masinop na babae ang madir ni Tirso at kung siya ang nag-alaga sa manika, tiyak na in good condition pa ang anak-anakan nina Nora at Tirso.

Kung naiwan naman kay Nora si Maria Leonora Theresa, baka pinaglaruan lamang siya ni Matet de Leon noong bagets pa ito.

Ang kagustuhan niya na mabawi ang manika ang isa sa mga napag-usapan sa presscon ng Dementia, ang coming soon movie ni Nora. Para maalaala ni Nora si Maria Leonora Theresa, matalas na matalas pa ang kanyang memorya.

Timing na timing sa showing ng Maria Leonora Theresa ang paghahanap ni Nora sa kanyang manika na nawawala.

Hindi na kilala ng mga bagets ng current generation si Maria Leonora Theresa dahil hindi pa sila isinisilang nang sumikat ang manika na anak-anakan ng love team nina Guy & Pip.

Witness ako sa pagsamba ng fans kay Maria Leonora Theresa na nireregaluhan nila ng mga damit at alahas. Parating kasama si Maria Leonora Theresa sa mga pictorial nina Nora at Tirso.

Kung tinitilian noon ang love team ng dalawa, kahati sa tili ang walang buhay pero spoiled na manika.

Dapat mahanap ang kinaroroonan ni Maria Leonora Theresa dahil bahagi na siya ng pop culture. Hindi kumpleto ang history ng phenomenal love team nina Nora at Tirso kapag hindi mapag-uusapan si Maria Leonora Theresa na alien sa mga bagets dahil mas kilala nila ang tatlong manika na bida sa horror movie ni Wenn Deramas at ng Star Cinema.

Gabby lungkot na lungkot sa pagbaba-babu ng Dading

Nakararamdam na ng lungkot si Gabby Eigenmann at ang ibang cast members ng Dading dahil papalapit na ang ending ng kanilang top rating afternoon drama series sa GMA 7.

Dalawa ang mga bagong afternoon teleserye ng Kapuso Network, ang Yagit at Ang Lihim ni Annasandra. Hindi pa malinaw sa akin kung alin sa mga nasabing teleserye ang ipapalit sa Dading pero ang Yagit ang hula ko.

Understandable ang lungkot na nararamdaman ni Gabby pero may reason pa rin para matuwa siya dahil lalong napansin ang kanyang husay sa pag-arte nang gampanan niya ang role ni Carding.

Pupusta ako na magkakaroon si Gabby ng acting nomination sa mga award-giving body for television sa 2015 dahil sa husay niya sa Dading.

Deniece parang pumasok lang sa PBB House

Hindi nakalaya kahapon si Deniece Cornejo dahil sa isang dokumentong hindi napirmahan. Kaya kagabi ay sa kulungan pa rin siya natulog.

Mabilis na kumalat kahapon ang balita na hindi nakatulog si Deniece noong Martes ng gabi sa kanyang detention cell sa Camp Crame.

Kung sabagay, normal ang nararamdaman ni Deniece dahil excited na siya na masilayan ang outside world eh naudlot pa.

Parang pumasok lang si Deniece sa PBB House dahil gaya ng PBB housemates, apat na buwan din ang inilagi niya sa loob ng kulungan mula nang kusang-loob na sumuko siya sa PNP.

vuukle comment

DAHIL

DENIECE

LEONORA

MARIA

MARIA LEONORA THERESA

NORA

THERESA

TIRSO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with