^

PSN Showbiz

Jolo hindi nagpakita pero sinamahan si Jodi sa Star Magic Ball

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Kinainggitan ng press ang 105 lbs., weight ni Jodi Sta. Maria, walang bilbil at walang kataba-taba ang katawan. Sabi ng aktres, dala ‘yun ng healthy diet, konting exercise at Cosmo Body ng Bargn Farmaceutici Phils. Co., o BFPC na two years na niyang ini-endorse.

Sabi ni Jodi, never siyang tumaba at noon lang magbuntis kay Thirdy siya tumaba ng 42 lbs., pero mabilis ding nawala. Mini-maintain na lang nito ang timbang sa tulong ng Cosmo Body na may sangkap na L-Caritine at Green Tea. Sabi ng BFPC founders na sina Niño Bautista at Red Gatus, ang polyphenols sa Cosmo Body promotes thermogenesis-a natural process kung saan ang body fat is converted to energy. Ito ang rason kung bakit effective ang weight loss supplement.

Bawal pa lang tanungin si Jodi tungkol kay Jolo Revilla, pero na­rinig namin sa presscon na may bati na at inisip naming sina Jodi at Jolo ‘yun. May tsika pang ka­sama ni Jodi si Jolo sa 8th Star Magic Ball, pero hindi na nagpakita.

Anyway, mapapanood si Jodi sa horror movie ng Star Cinema na Maria Leonora Teresa na showing sa September 17. Siya si Stella, ang mother ni Teresa na dahil hindi matanggap ang pagkamatay ng anak ay nag-alaga ng manika.

Dingdong at Marian walong bishops ang magkakasal

‘Katawa ‘yung tsikang kaya magpapakasal sila Dingdong Dantes at Marian Ri­ve­ra dahil buntis ang aktres. Hindi naman yata papayag si Dingdong na kahit buntis ang fiancée ay patuloy na nagsasayaw sa Marian.

Matagal pang magsasayaw si Marian dahil papasok na sa season 2 ang dance show niya simula September 20. Magpapatuloy ang show hangga’t kaya ni Marian at hangga’t gusto niya. Kaya kahit ikinasal na at gusto pang sumayaw ni Marian, tuloy ang Marian at sa second season, ang ninong nila ni Dingdong na si Mark Reyes ang director ng show.

Nakiusap si Marian na ‘wag silang intrigahin ni Direk Louie Ignacio, director ng first season ng Marian dahil friends sila nito at malulungkot daw sila pareho dahil last episode na nito bilang director ng show sa Saturday.

Natutuwa ang press kay Marian dahil hindi maramot magbigay ng update sa December 30 wedding nila ni Dingdong. Basta puwedeng i-share, sini-share, maliban na lang sa hindi pa puwedeng isulat gaya ng motif, ibang abay, kung sino ang gagawa ng wedding gown niya, at venue ng reception.

Sabi nito, malapit lang sa The Imma­culate Church Cathedral ang reception, tuluy-tuloy lang at walang turn left. Malaki ang venue at kasya ang expected 1,000 invited guests at 20 pairs ang godparents nila. Narinig din naming concelebrated mass ang mangyayari at walong bishops ang magkakasal sa kanila.

Ibinalita nitong kukum­pilan siya sa October dahil hindi makita ang record niya sa kumpil. Kinuwento rin ni Marian na hands on sila ni Dingdong sa pag-aasikaso sa kanilang kasal hanggang sa giveaways at color ng invitation. Hindi nila mapigilang hindi maiyak sa kaligayahan, pero wala siyang wedding jitters.

Bago ikasal, rarampa muna sa Bench The Naked Truth Denim & Underwear Fashion Show sa September 19 sa MOA Arena si Marian. Sa tanong kung siya ang finale, hindi ito sumagot, basta pinag­hahandaan niya. Hindi pa alam ni Marian kung underwear ang isusuot niya, pero Bench Body ang ini-endorse nito, kaya malay natin at gulatin nito ang audience.

 

vuukle comment

BARGN FARMACEUTICI PHILS

BENCH BODY

BENCH THE NAKED TRUTH DENIM

COSMO BODY

JODI

MARIAN

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with