^

PSN Showbiz

Sam nagmukhang kawawa sa interview ni Kris

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Naawa naman ako kay Sam Milby na halos hindi na makapagsalita when he guested sa Aquino & Abunda Tonight para i-promote ang pelikula niya. Dahil sa halip, nagisa siya ni Kris Aquino sa sinasabing friendship nila ni Shaina Magdayao.  Hindi ako magtataka kung ma-trauma si Sam at hindi na lumabis pa sa pagkakaibigan ang relasyon nila ng aktres.

Mga bagong singer sumisikat na sa internet

Bilib naman ako sa isang dalagita at grupo ng tatlong kabataang singer na sumisikat sa Internet dahil sa kanilang galing sa pagkanta. Ito sina Jade Hipe from Davao at ang 3 Friendly na sina King, Jhong at Samir na kasabay ng aking apo na si Gab Moreno na na-feature sa Unang Hirit. Nakatutuwa si Jade dahil bukod sa ganda ng boses niya ay magaling din ito sa kanyang iskwela at isang student leader.  I’m sure gusto n’yo ring makilala pa ang tina­guriang Pinoy Air Supply na sana ay mai-guest ko sa Walang Tulugan.

Kapamilya mabilis mag-build ng mga bagong talent

Maganda ‘yung ginagawang pagbi-build up ng kabilang istasyon sa mga naging finalist ng The Voice Kids. Palagi kong napapanood sina Juan Karlos na nasa Hawak Kamay series, si Darren Espanto naman, paboritong i-guest sa Kris TV. Si Lyca Gairanod  na bukod sa ginampanan ang role niya sa isang episode ng  Maalaala Mo Kaya  ay kasama na rin sa Hawak Kamay. Nakita ko rin sa traiiler ng HK ang second big winner ng PBB na si Maris Racal. Meron nang project sina Loisa Andalio, Joshua Garcia, at Jane Oineza.

‘Lubos po akong nakikiramay sa pamilya ni Mark Gil’

Nakikirmay ako sa pamilya Eigenmann sa pagkamatay ng isang kilalang miyembro ng pamilya nila na si Mark Gil. Matagal na palang may karamdaman ang magaling na aktor, pero hiniling nitong hindi maisapubliko ang kanyang sakit kaya marami ang nagulat sa kanyang biglang pagpanaw. Malalaki na rin ang mga anak ng aktor na sina Sid Lucero, Andi Eigenmann, Gabby Eigenmann at iba pa, pero may maliliit pa siyang anak sa pinakahuling asawa na iniwan niya. Sa kanilanag anak, at kina Eddie Mesa, Rosemarie Gil, Michael de Mesa, at Cherie Gil, ang aking lubos na pakikiramay,

 

 

vuukle comment

ABUNDA TONIGHT

ANDI EIGENMANN

CHERIE GIL

DARREN ESPANTO

EDDIE MESA

GAB MORENO

GABBY EIGENMANN

HAWAK KAMAY

MARK GIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with