^

PSN Showbiz

Singer-actress jobless na dahil sa maepal na nanay

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Biglang nawala sa cast ng isang panghapong soap ang singer-actress (SA) na ang role ay best friend ng bidang aktres. Ang sabi, napagdesisyunan ng production staff na alisin na lang siya at palitan ng ibang magiging best friend ng leading lady dahil nagiging problema sa taping ang kanyang ina.

Laging kasama ni SA sa taping ang ina na okey lang naman sa staff, pero lumalaon, nagiging pasaway si madir at kung makapag-demand parang ang anak ang bida. Samantalang ‘yung nanay ng bida, tahimik lang na binabantayan ang anak sa set.

Para hindi na lang ma-stress at patuloy na mamurublema lalo’t extended ang soap, inalis na lang si SA at pinalitan ng ibang best friend ang bida. Magsisi man si madir, huli na at ang masama pa nito, baka hindi na bigyan ng ibang show ang anak dahil sa sobra niyang pangingialam.

Bale ba, hindi naman si madir ang may career, kundi ang anak, paano na si SA ngayon? Wala ng show, wala pang trabaho, paano na silang mag-ina?

Gardo nai-enjoy na ang pagiging bading

Hindi pa sigurado si Gardo Versoza kung mai-extend ang Dading, pero malaki ang pasasalamat niya sa network na sa kanya ibinigay ang role ni Mother Lexi at thankful din na si Gabby Eigenmann ang ibinigay na kabatuhan niya. Hindi raw maramot  na kaeksena si Gabby, masaya at masarap itong kaeksena.

Enjoy siyang gawin ang Mother Lexi karakter dahil iba sa mga unang karakter na ginampanan at malayo sa personalidad niya sa totoong buhay. Kaya kahit medyo physically draining dahil nag-aayos at nagbibihis babae siya, walang reklamo si Gardo.

Jose Rizal ni Alden malapit na

Pina-plug na ng GMA 7 ang Ilustrado at tinawag na  bayani serye dahil tungkol ito sa life story ni Dr. Jose Rizal.

Ang sabi pa, sabay itong ipalalabas sa GMA News TV Channel 11 at Ch. 7. Wala pang sinabing exact date, pero sa October ang airing ng Ilustrado at kung hindi kami nagkakamali, baka ito ang ipalit sa My Destiny.

Si Alden Richards ang gaganap sa role ni Dr. Jose Rizal, si Kylie Padilla bilang si Leonor Rivera, si Solenn Heussaff bilang si Josephine Bracken at isa pang leading lady.

Kasama rin sa cast sina Jaclyn Jose, Marco Alcaraz, at Eula Valdez. Si King Mark Baco ang director nito na director din ng Katipunan.  

TBT concert ni Ogie may audience participation!

Sa Thursday, August 28 na ang Throwback Thursday with Mr. A concert ni Ogie Alcasid sa Music Museum at masaya nitong ibinalita na pumayag sina Janno Gibbs at Manilyn Reynes na mag-guest. Kasama sila nina Dingdong Avanzado, Jojo Alejar, at Roderick Paulate na magpapasaya sa manonood sa concert.

Nang makausap sina Janno at Manilyn sa taping ng My BFF, hindi pa siguradong makakapag-guest ang dalawa dahil si Manilyn ay may taping ng Pepito Manaloto at si Janno ay may ibang appointment. Obviously, naayos ang schedule ng dalawa.

Maganda ang concept ng Throwback Thursday with Mr. A with Mr. Ryan Cayabyab as its musical director. Maganda ang repertoire na inihanda ni Ogie, magsi-sing-along ang tao at sabi ni Ogie, baka ang audience na lang ang pakantahin niya.

 

vuukle comment

DINGDONG AVANZADO

DR. JOSE RIZAL

EULA VALDEZ

GABBY EIGENMANN

GARDO

MOTHER LEXI

MR. A

OGIE

THROWBACK THURSDAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with