^

PSN Showbiz

Para makapanggatas aktres expert sa pagtatago ng mga gamit ‘pag may bagong BF

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Hinding-hindi na malilimutan pa ng kaibigan ng isang kilalang pulitiko ang simpleng katusuhan ng isang aktres. Lihim na naging karelasyon ng pulitiko ang babaeng personalidad, batambata pa siya kung tutuusin, pero maaga siyang natutong “magnegosyo.”

Literal na bilmoko kung tawagin siya ng mga kaibigan ng pulitiko, ang galing-galing kasi niyang magdrama, nakuha niya ang pagmamahal at simpatya ng lalaki sa mabilis na panahon.

“Nu’ng unang magpunta sa bahay nila ang politician, gulat na gulat ang lalaki, malaki ang bahay nila pero walang mga kagamitan. Ni wala silang sofa, walang dining table, walang TV, maluwag ang buong kabahayan!

“Ang sabi niya, e, napakaliit lang daw naman kasi ng kinikita niya sa pag-aartista, kulang na kulang pa sa mga pangangailangan nila ng kanyang pamilya, awang-awa sa kanya ang politician.

“Kinabukasan din, nagkaroon ng instant make-over ang bahay ng girl, nagpadeliber ang guy ng mga furnitures, ng ref, ng TV, ng lahat-lahat ng kagamitang wala ang girl,” kuwento ng source.

Tatlong buwan na silang magkarelasyon nang may makausap na pulitiko rin ang boyfriend ng aktres, nagkakuwentuhan sila, nagtanong ang pulitiko kung nu’ng magpunta raw ba ito sa bahay ng aktres ay walang-walang kagamitan sa loob ng kanyang bahay?

“Nu’ng tumango si sir, napailing ang kausap niya. Ang sabi, ganu’n din pala ang drama nu’ng babae sa isa niyang nakarelasyong rich guy. Nakatago pala sa mga kuwarto nila ang mga kagamitan, pinalabas lang niyang wala, matagal na pala niyang gimik ‘yun,” sabi uli ng aming impormante.

Naalala rin ng pulitiko na madalas magpabili sa kanya ng branded stuff ang aktres, ngayon lang daw kasi siya nakakatikim ng ganu’n, pero ganu’n pala ang palagi niyang ginagawa tuwing may bago siyang karelasyon.

Sabi ng napapailing naming source, “Napakatiyaga ng babaeng ‘yun. Ang dapat sa kanya, e, action star, hindi dramatic actress. Imagine, buhat siya nang buhat ng mga kagamitan nila para itago sa kuwarto? Ang bibigat nu’n!”

Ubos!

Derek P8 million na ang naibigay sa anak

May mga kaibigan kaming nakiusyoso sa pagsusumite ng counter affidavit ni Derek Ramsay sa piskalya ng Makati nu’ng Miyerkules nang umaga. Ang tangi nilang nasabi—kaya naman pala.                

 

Ang umagaw sa kanilang pansin ay ang mga magulang ng guwapong hunk actor, marami sa kanila ang hindi nakakaalam na banyaga pala ang ama ni Derek, nasorpresa rin sila sa kagandahan at kapinuhang kumilos ng kanyang ina.

Kaya ang kanilang konklusyon, “Sis, kaya naman pala napaka-gentleman ni Derek, may pinagmanahan pala siya. Kaya pala napakamaginoo niya, maganda pala ang kanyang breeding.”

Sa kanyang sinumpaang-salaysay ay nilapatan ng paliwanag ng aktor ang mga butas sa mga akusasyon sa kanya ni Mary Christine Jolly, ang babaeng pinakasalan niya nu’ng 2002, pero nakasama lang niya nang ilang buwan.

Pati ang paghusga na pinabayaan ni Derek ang kanilang anak na si Austin Gabriel ay pinabulaanan niya kasabay ang pagsusumite ng listahan na mula nu’ng taong 2011 nang malaman niyang meron pala silang anak ay umaabot na sa walong milyong piso ang kanyang sustento sa bata.

Naging emosyonal ang hunk actor sa kanyang panayam pagkatapos ng hearing, pagbintangan na nga naman siya sa ibang aspeto ng kanyang pagkatao, huwag lang ang akusasyong iresponsable siyang ama dahil wala siyang pinababayaang obligasyon.

Nakaabang ngayon ang publiko sa paglalabas ng resolusyon tungkol sa mga kasong isinampa ni Mary Christine laban kay Derek Ramsay.

Pagkatapos balansehin ng piskal ang kanilang mga sinumpaang-salaysay ay dalawa lang ang kahahantungan ng problemang ito.

Ang paglalagak ng piyansa ni Derek Ramsay dahil napatunayang may merito ang kaso o ang paglanding ng reklamo ng babae sa nakaabang na basurahan sa tabi ng mesa ng piskal.

vuukle comment

AUSTIN GABRIEL

DEREK

DEREK RAMSAY

KANYANG

KAYA

NIYA

PALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with