^

PSN Showbiz

Boy Abunda tinanggalan ng nana sa atay

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Sinilebrayt ng isa sa mga bida ng The Half Sisters na si Thea  Tolentino ang kanyang debut na ginanap sa isang clubhouse/resort sa Calamba, Laguna nung nakaraang Sabado.

Dumalo ang mga close friends ni Thea sa showbiz pero ang rebelasyon sa party na iyun ay ang closeness nila ng dati niyang kasamahan sa Protégé na si Mikoy Morales.

Obvious na ang kanilang relasyon dahil noon pa man ay nakikita silang laging magkasama.

PAK: Pinilit ni Lorna Tolentino na makalabas ng hospital kahapon, pero nakakaramdam  pa rin daw ng sobrang sakit ng katawan dahil sa brace na ikinabit sa kanya.

Hindi na kasi inoperahan si Lorna dahil kaya naman daw na brace na lang ang ikakabit sa kanya.

Pero hindi naman niya nakayanan ang sakit ng katawan nang kinabitan siya ng brace.  Hirap pa rin daw siyang makatayo.

Pinayagan naman siyang lumabas ng hospital kahapon pero halos hindi pa rin siya makagalaw dahil nasaktan siya sa brace na ikinabit sa kanya.

Gusto na sana ng aktres na bumalik sa taping ng My Destiny kahit naka-brace siya. Pero sa ngayon ay ina-adjust pa ito para makayanan na niyang isuot.

BOOM: Safe na rin si Kuya Boy Abunda pagkatapos siyang dumaan sa isang operasyon.

Marami ang nagtataka bakit wala pa rin si Kuya Boy sa The Buzz at Aquino and Abunda Tonight, at nagtatanong kung kailan na siya babalik.

Nakausap namin ang ilang taong malapit sa TV host, gusto nilang ipara­ting sa mga nag-alala na okay na ang kanyang kalagayan pagkatapos niyang inoperahan.

Aspirate raw ang tawag nito na kung saan tinanggalan siya ng nana sa liver. Tapos na raw ito at nasa mabuting kalagayan na raw si Kuya Boy.

Payo ng kanyang doktor, kailangan lang daw niyang magpahinga ng ilang araw pa sa hospital bago siya payagang makalabas.

vuukle comment

AQUINO AND ABUNDA TONIGHT

HALF SISTERS

KUYA BOY

KUYA BOY ABUNDA

LORNA TOLENTINO

MIKOY MORALES

MY DESTINY

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with