^

PSN Showbiz

Manny binigyan na uli ng GMA ng trabaho

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Magpi-premiere sa September 14 ang bagong TV show ni Cong. Manny Pacquiao na Sports Science. As the title suggests, tungkol sa sports ang concept ng bagong show ni Manny na bagay na bagay sa kanya.

Wala pang ibang detalye ang show ni Manny maliban sa si Solenn Heussaff ang kanyang co-host. Si Rico Gutierrez naman ang director at na-post nito sa kanyang Instagram (IG) account ang design ng stage ng Sports Science na agad nagustuhan ng mga nakakita.

Matagal na walang regular show si Pacman. Si Solenn naman, kahit walang soap, very visible sa TV at muling mapapanood na umaarte sa documentary series na Ilustrado na pinagbibidahan ni Alden Richards at kasama rin si Kylie Padilla.

Pagiging teacher ni Isabelle nagagamit kay Ryzza Mae

Nakakatuwa si Isabelle Daza dahil nagiging teacher siya ni Ryzza Mae Dizon kapag wala sa school si Aleng Maliit. Binibigyan nito ng assignment si Ryza Mae from Math to English and History.

Sa susunod na meeting nila sa Eat...Bulaga!, ipinakikita ni Ryzza Mae kay Isabelle ang sagot niya sa ibinigay na assignment ng TV host-actress at natutuwa si Isabelle dahil maraming right answers si Aleng Maliit.

Naaliw ang followers ni Ryzza sa IG noong isang araw dahil ang pinost nito ay tutorial lesson tungkol kay Christopher Co­lum­bus. In fairness, alam ni Aleng Maliit ang tungkol sa kanya.

Kundi kami nagkakamali, pre-school teacher si Isabelle bago mag-showbiz kaya napa-practice pa rin nito ang pagiging teacher kahit nasa showbiz na.

Samantala, gugulatin ni Isabelle ang moviegoers ng Somebody to Love sa daring role niya bilang hotelier at may kissing scene at love scene kay Matteo Guidicelli. Kasama rin yata siya sa cast ng Regal Entertainment movie na sinabi ni director Joey Reyes na wagas magmura.

Sa August 20 ang showing ng movie at kasunod nito, gagawin ni Isabelle sa Regal ang launching movie niyang Mara na isang horror film. Pag-aagawan nila ni Jasmine Curtis-Smith si Paulo Avelino.

Leading lady din si Isabelle ni Dingdong Dantes sa Kubot: The Aswang Chronicles 2 na entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

Empleyado ng isang network, obsessed sa isang miyembro ng grupo ng mga foreigner na may Pinoy blood

Usap-usapan sa isang network ang tila pagka-in love ng isa nilang empleyado ng marketing department sa isa sa member ng grupong bini-build up ng network.

Hindi na raw magawa ni Ms. Marketing ang trabaho sa kasusunod sa grupo sa mga appointment nito. Kahit hindi sinasabi ang schedule, nalalaman pa rin ni Ms. Marketing at bigla na lang sumisipot sa venue kung nasaan ang grupong ng mga dayuhan with Filipino blood.

Hindi pa ipinaparating sa mga bossing ng network ang ginagawa ni Ms. Marketing, pero sana siya na ang magkusang tigilan ang ginagawa kung ayaw niyang mawalan ng trabaho.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ALENG MALIIT

ASWANG CHRONICLES

CHRISTOPHER CO

DINGDONG DANTES

ISABELLE

MS. MARKETING

RYZZA MAE

SPORTS SCIENCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with