^

PSN Showbiz

Lovi ayaw maging other woman

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Isa si Lovi Poe sa magiging asawa ni Dingdong Dantes sa bagong palabas ng GMA na magsisimula sa June 2, ang Ang Dalawang Mrs. Real. Legal siya at hindi the other woman dahil pinakasalan siya nito. Ang hindi alam ng ginagampanan niyang character ay may nauna nang pinaka salaan ito.

Kung mangyayari ito sa totong buhay, papayag ba siyang maging pangalawang asawa?

“Hindi,” ang mariin niyang tugon. “Mananaig siguro ang prinsipyo ko at hindi ang puso. Iiwan ko siya,” pagtatanggol ng aktres na magi­ging pangalawang Mrs. Real.

Nang tanungin kung hindi ba siya natatakot na baka siya naman ang sugurin ng girlfriend ng akor na napaka-protective sa relasyon nila, sinabi ng aktres na “Okay naman kami ni Marian  (Rivera). Nagkatrabaho na kami before at wala namang na­ging problema. At the end of the day we’re all professionals. Hindi niya ako pagseselosan dahil may sarili naman akong love life,” paliwanag niya bagaman at hindi niya sinabing si Rocco Nacino ito na nakasama niya ng dalawang linggo at kalahati sa isang European vacation.

“Si Dingdong masayang kasama sa set. He’s a real gentleman. As an actor, he’s really good, mahilig mag-adlib,” sabi niya of her leading man na aniya ay pinaghahandaan na niya ang mga matitindi nilang eksena na gagawin.

Sa kanyang aura na napakaganda at mukhang in love na in love, sinabi ni Lovi na dahil ito sa naging bakasyon niya. She has been working non-stop.  â€œIntensyon ko ay dalawin lamang ang kapatid kong babae sa London. Since libre si Rocco, sumama na rin siya. We had a real good time, kaming dalawa with my sister and her boyfriend who took us around.

“Si Rocco I found out was very light and fun na kasama. Palagi niya akong pinapatawa. Napakatalino niya at masarap kausap,” papuri niya sa sinasabing bagong karelasyon niya.

Is marriage in the offing?

“Kasal? Malayo pa ‘yun and it will only be an option once I feel it,” sabi niya.

Ang Dalawang Mrs. Real will showcase, the talents of Dingdong Dantes, Lovi Poe, and Maricel Soriano.

Si Andoy Ranay ang magdidirek ng teleserye.

Coney nagpaalam muna kay Charo

Bukod sa hindi mamatay-matay na naging relasyon nila nun ni Vic Sotto, isa sa mga itinatanong ng press kay Coney Reyes ay kung bakit iniwan niya ang ABS-CBN at lumipat ng GMA. Magandang role ang ginagampanan niya sa Ang Da­lawang Mrs. Real bilang ina ni Dingdong Dantes. Ang role na ito ay sinasabi niyang dahilan para tanggapin ang offer ng GMA na hudyat din ng kanyang pagbabalik sa Kapuso Network.

“Matagal ko itong pinag-isipan. Dinasal ko rin. Kaya nga nung magkaro’n ito ng storycon ay wala ako dahil hindi pa ako nakapagdesisyon nu’ng time na ‘yun.

“Bago ako nag-decide ay kinausap ko muna si Charo (Santos) at mga boss ng ABS-CBN. Hindi ako nagpaalam sa kanila dahil hindi naman ako nakakontrata sa kanila. Pagbibigay respeto lang ‘yun sa kanila dahil matagal akong nagtrabaho sa kanila.

“I feel I was led to come back to GMA. Sa nga­yon, I will take one project at a time. I’m happy to be working with a great cast but I’m looking forward to working with ABS (-CBN) again,” sabi ng ma­galing na akres na pinakahuling project na ginawa sa Kapamilya Network ay ‘yung Huwag Ka Lang Mawawala ni Judy Ann Santos.

Masaya si Coney dahil binigyan siya ng importansya ng GMA nang i-promote niya ang teleserye sa Startalk. Hindi lamang siya nagsalita tungkol sa bagong project niya. Talagang binigyan siya ng mahabang oras para pag-usapan ang kanyang naging buhay bilang artista at pribadong tao rin. Kaya nga­yon, ayaw na niyang pag-usapan pa ang kanyang pribadong buhay. Feeling niya, nasabi na niyang lahat ang gusto niyang sabihin kaya tungkol sa Ang Dalawang Mrs. Real na lamang ang sasagutin niya.

“Gusto ko lang enjoyin ang trabaho ko at ang family ko,” sabi niya.

Cesar pinagbigyan ang pagnanasa ni AiAi

Nasunod din ang kagustuhan ni AiAi delas Alas na makapareha si Cesar Montano, sa indie film na ginagawa niya, ang Ronda. Pero hindi niya ipinamahala sa iba ang pag-iimbita sa aktor. Talagang siya mismo ang nakiusap sa aktor nang magkasabay sila sa biyahe sa eroplano patungo sa isang palabas. Tala­gang hindi siya tumigil hangga’t hindi nakukuha ang pagsang-ayon ng aktor.

At kahit nagkahiwalay na sila nang pinuntahan ay tumanggap pa rin siya ng tawag mula kay Cesar na kumukumpirma ng pagpayag nito sa pinag-usapan nila. First time na gaganap sa isang matinding love scene ang komedyana kaya gusto niya na kumportable siya sa makakaeksena niya.

vuukle comment

ANDOY RANAY

ANG DA

DINGDONG DANTES

LOVI POE

MRS. REAL

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with