^

PSN Showbiz

Para tuluyan nang makawala Sunshine gagastusan ang annulment nila ni Cesar

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Napanood ko si Sunshine Cruz sa Kris TV at nakabibilib na mabilis ang kanyang recovery. Mas­yado yata siyang nasaktan ng kanyang ‘ex-husband’ kung kaya ang makawala sa poder nito ay isang pagkakataon na ngayon ay pinagyayaman niya. Mabuti na lamang at nangyari ang kanilang paghihiwalay ni Cesar Montano sa panahong bata pa siya at kaya pang makipagsapalaran sa showbiz. Kung dumating ito sa panahon na hindi na siya puwedeng mag-artistang muli, ay baka mas naging bitter siya sa kanyang marriage. As it is, okay naman ang career niya at wala nang makapagpapasaya sa isang nanay nang labis, kundi ang makapiling ang kanyang mga anak at mabigyan ng pagkakataon na maitaguyod sila.

Nag-file na rin siya ng annulment na ang ibig sabihin ay siya ang gagastos sa pagpo-proseso dahil siya ang nanghihingi nito para tuluyan nang makawala sa actor.

Pogay ang gaganda

Aliw naman ako sa naging kaganapan sa finals ng I Am Pogay ng It’s Showtime dahil first time ko na makakita ng mga bakla sa isang pakontes na naka-tuxedo at hindi naka-gown. In fairness ang gugwapo nila! I’m sure nanghihinayang ang nga magulang nila na hindi sila naging ganap na lalaki, pero siguro naman ay tanggap silang lahat ng kanilang mga magulang dahil I’m sure, ni isa man sa kanila ay walang naghangad na maging beki sila. Pero isa itong katotohanan ng buhay na mahirap tanggihan kaya gawin na lang ang lahat para maging isang kapaki-pakinabang na beki.

Tama lang ‘yung nanalo na lalaking-laki sa tingin, pero girlie pala. Taga-Baguio City siya na nagngangalang John Raspado. Kakatuwang makita na napakalaki niyang lalaki, pero umiyak nang manalo. Pinanood ng marami ang pa-contest na ito dahil kakaiba.  Nasanay na kasi ang mga manonood sa beki na sumasali sa mga gay beauty pageant.

Bagong bahay ni Ryzza Mae, ini-interior ni Carmi Martin

Iba na talaga si Ryzza Mae Dizon. Hindi lang nabago ang bahay niya, may interior designer din ang kanyang kuwarto! Si Carmi Martin ang nagdidisenyo ng kuwarto ni Aleng Maliit at sigurado ako na aabot pa ang kanyang pagdidisenyo sa iba pang bahagi ng bahay.

Kung sabagay, lahat ng magagandang bagay at pangyayari na dumarating ngayon sa pinakabatang TV host sa bansa ay deserve niya. Hindi lamang siya pinagkalooban ng talento, maganda rin siyang napalaki ng kanyang ina. Ang pagkakaroon niya ng talento at kagandahang ugali ay isang napakagandang kumbinasyon na bihirang mapunta sa isang bata, kaya masasabing masuwerte siya. Hilingin na lang natin na sana sa kanyang paglaki ay hindi magbago ang ugali ng batang artista kundi lagot siya sa kanyang showbiz tatay na si Bossing Vic Sotto, na nakapagpalaki rin naman ng mga mababait na anak.

vuukle comment

ALENG MALIIT

BOSSING VIC SOTTO

CARMI MARTIN

CESAR MONTANO

I AM POGAY

JOHN RASPADO

KANYANG

RYZZA MAE

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with