^

PSN Showbiz

Kampo ni Vhong ‘di nagulat sa pangatlong rape case

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inaasahan na ng kampo ni Vhong Navarro ang panibagong kasong panggagahasa laban sa TV host, ayon sa abogado ngayong Biyernes

Sinabi ni Alma Mallonga na hindi pa nila natatanggap ang kopya ng reklamo ngunit sinabing hindi na nila ito ikinagulat.

“This is something that we were expecting. This doesn’t surprise me,” wika ni Mallonga.

Kaugnay na balita: Ikatlong rape complaint isinampa vs. Vhong

Dagdag ng abogado na handa nilang harapin ang panibagong kaso na isa aniyang taktika ng mga kalaban ni Vhong.

“The timing of filing raises serious questions… Vhong did not commit any of the allegations against him.”

Nitong Miyerkules ay isang babaeng nakatrabaho umano ng TV host ang nagsampa ng kasong panggagahasa sa piskalya ng lungsod ng Quezon.

Kaugnay na balita: Bagong rape complainant vs Vhong lumutang

Nangyari umano ang panggagahasa sa loob ng sasakyan ni Vhong noong 2009 kung saan ipinasok ng artista ang daliri niya sa ari ng nagrereklamo.

Ayon sa umano’y biktima hindi niya naisipang magreklamo noong una dahil sa paniwalang walang kahihinatnan ang kaso dahil maimpluwensiyang tao si Navarro.

“It is only now that I am coming out to tell my story because I was inspired by the courage of other women who are coming out now to seek justice and to tell the truth about Vhong,” wika ng nagrereklamo.

Naglutangan ang mga ginahasa umano ni Vhong matapos bugbugin ng tropa ng negosyanteng si Cedric Lee dahil sa pananamantala umano sa modelong si Deniece Cornejo.

Isang beauty pageant contestant ang naghain ng reklamo kay Vhong na umano’y biniktima rin ng artista.

vuukle comment

ALMA MALLONGA

AYON

BIYERNES

CEDRIC LEE

DENIECE CORNEJO

KAUGNAY

NITONG MIYERKULES

VHONG

VHONG NAVARRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with