^

PSN Showbiz

Bagong rape complainant vs Vhong lumutang

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Muling nahaharap sa panibagong problema si TV host Vhong Navarro matapos maireklamong muli ng panggagahasa.

Inihain kahapon ang kasong rape laban kay Navarro sa Pasig City Prosecutor Office sa pamamagitan ng abogado ng biktimang si Virgilio Batalla.

Kinumpirma ito ni Batalla kagabi sa isang panayam sa telebisyon at sinabing nangyari ang insidente noong 2010.

Kaugnay na balita: Vhong ‘di nagulat sa bagong rape case

Dagdag niya na ayaw ipaalam ng kanyang kliyente ang pangalan sa publiko.

“Lumapit po sa akin ang biktimang ito dahil siya ay nagkaroon ng lakas ng loob sa mga pangyayaring alam n’yo naman po yun… yun pong pangyayaring may nagsampa ng kaso kay Vhong Navarro ng rape,” pahayag ng abogado.

 â€œDahil sa nakita niya na pwede palang mangyari ito na paulit-ulit sa ibang bababe tulad niya,” dagdag ni Batalla.

Kaugnay na balita: Fortun nainis sa pagsasalita ni Deniece Cornejo

Naunang nagsampa ng kasong rape ang modelong si Deniece Cornejo laban kay Vhonng matapos ang insidente noong Enero 29 sa Forbeswood Heights tower sa Bnifacio Global City.

Sinabi ni Batalla na mayroong 20 taon ang isang biktima upang makapaghain ng reklamo.

“20 taon para magfile ng kaso. At ang kliyente ko at apat na taon lamang (since the incident), kaya hindi ganun katagal yun.”

vuukle comment

BATALLA

BNIFACIO GLOBAL CITY

DAGDAG

DENIECE CORNEJO

FORBESWOOD HEIGHTS

KAUGNAY

PASIG CITY PROSECUTOR OFFICE

VHONG NAVARRO

VIRGILIO BATALLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with