^

PSN Showbiz

Roxanne naghamon na harapin ni Vhong!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hinamon ng dating beauty pageant contestant na si Roxanne Cabañero ang komedyanteng si Vhong Navarro na harapin siya, kaugnay pa rin ng kasong panggagahasa na isinampa niya laban sa aktor.

Ang hamon ay ginawa ni Cabañero sa pagdalo niya kahapon, March 13, sa preliminary investigation ng rape complaint na inihain niya sa Pasig City Prosecutor’s Office laban kay Navarro.

Si Cabañero ay sinamahan ng kanyang abogadong si Atty. Virgilio Batalla sa hukuman habang si Navarro naman ay kinatawan ng kanyang legal counsel na si Atty. Alma Mallonga.

Isinumite na rin ni Mallonga ang counter-affidavit ng kanyang kliyente sa hukuman, kasama ang sinumpaang pahayag ng tatlong dancer, perso­nal assistant, at kapatid ng aktor, gayundin ng producer ng concert, na
nagpa­patunay na noong petsang Abril 24, 2010, kung kailan sinabi ni Cabañero na ginahasa siya ni Navarro, ay nasa Cavite si Navarro dahil siya ang special guest ni Vice Ganda sa concert nito.

Ang pahayag naman ni Vice Ganda ay isinumite rin bilang attachment ng counter-affidavit.

Hindi naman naghain ng reply affidavit si Cabañero ngunit naghain ito ng manifestation na naglilinaw na wala siyang binanggit na eksaktong petsa kung kailan naganap ang panggagahasa.

Nang makapanayam ng mga mamamahayag, muli namang iginiit ni Cabañero na ginahasa siya ni Navarro noong Abril 2010.

Naisumite na rin for resolution ang kaso ni Cabañero, na sinampahan naman ni Navarro ng kasong perjury kaugnay ng naturang rape complaint. 

                                                               

 

vuukle comment

ABRIL

ALMA MALLONGA

CABA

ERO

NAVARRO

PASIG CITY PROSECUTOR

VICE GANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with