^

PSN Showbiz

Meg isusuko ang virginity kay JC!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Ipinahayag ni Direk Ruel Bayani na siyang pro­dyuser ng bagong teleserye na magsisimulang mapanood sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN sa March 31 na mismong ang pangulo ng network na si Charo Santos-Concio ang pumili kay Meg Imperial para magbida sa bago nilang programa na Moon of Desire. 

“Nagandahan siya sa mukha nito. Sabi niya ay bihira ang may ganun kasenswal na face na napaka-fresh at hindi pa madalas makita. True enough, sa early rushes pa lamang ng show ay makikita na marami pa siyang magagawang ibang projects. She’s perfect and really hot,” sabi ni Bayani.

Una nang nailunsad sa Menor de Edad si Meg at matapos ang paghihintay nang matagal at pagganap sa mga support role hindi lamang sa ABS-CBN kundi maging sa iba pang networks ay pinagkatiwalaan siya ng isang malaking role ng ABS-CBN.

Teaser pa lamang ay nag-uu­ma­paw na sa kaseksihan ang serye lalo’t kasama rin sa cast sina JC de Vera, Dominic Roque, at ang ipinakikilalang mo­del turned actor na si Miko Raval.

Kahit talagang challenging ang role hindi rito nahihirapan ang inilulunsad na bituin kundi sa kanyang prosthetics na inaabot ng mga tatlo hanggang apat na oras para mailagay. May sakit kasi ang character na ginagampanan ni Meg na kung saan ay maraming buhok ang tumutubo sa kanyang katawan na halos matakpan na ang kabuuan niya. Sa kaanyuan niyang ito ay nagkaro’n sila ng love scene ni Dom para gamiting promo ng series. Kinunan ang scene sa isang treehouse sa isang playground. Kissing scene pa lamang ang nakukunan sa kanila ni JC pero wala pa kay Miko.

Sa tatlong lalaki, pinakagusto ni Meg si JC at kung isusuko raw niya ang virginity niya, kay JC na.

Maja tanggap na ate ng mga kapatid ni Gerald

Sino’ng nagsabi na ayaw ng pamilya ni Gerald Anderson kay Maja Salvador?

Ngayon naman siguro ay masaya na at panatag si Maja pagdating sa relasyon nila ni Gerald. Matapos lumabas ang ilang mga pahayag sa mga babasahin na hindi pabor sa kanya ang pamilya ng boyfriend niya, lalo na ang ina nito, ay napanood sa Buzz ng Bayan si Gerald kasama ang dalawang kapatid niyang sina Ken at Roger na nagsabi kung gaano ang pagpapahalaga nila sa karelasyon ng kapatid nila na itinuturing din nilang “ate”. Maging ang ina ng aktor na si Virgie Anderson na nauna nang may mga lumabas na interview na sinabi dumano nito na may mga ugali ang nobya ng anak niya na hindi siya nagugustuhan ay nagpahayag finally na hindi siya nakikialam sa pag-ibig ni Gerald at kung sino ang gugustuhin nito.

“Ayaw ko lang na masaktan siya,” simpleng tugon nito.

Sa rami ng mga nagpahayag ng hindi nila pagtanggap sa relasyong Ge­rald/Maja, hindi na lang ito pinapansin ng dalawa at sa halip ay idinadaan na lang nila sa dasal ang lahat.

Herbert C, misteryosong singer

Hindi kailanman naisip ni Herbert C na ibigay o ibenta ang kanyang life story pero kung talagang gu­gustuhin niya ay madali itong matatanggap ng alin­mang movie production o kahit sa Maalaala Mo Kaya o Magpakailanman. Napakamakulay at maituturing ding kontrobersiyal kasi ang kanyang buhay.

Pero sa halip, mas gi­nus­to niyang pasukin ang mundo ng musika at ibu­hos ang la­hat ni­yang damdamin sa pagkanta. Si­nging has made him a better man. Ang single niyang Pa’no ’Yon ay paboritong tugtugin sa istas­­yon ng radyo hindi lamang dahil maganda ito kundi inire-request pa rin ng maraming tagapaki­nig. Ka­sing gan­da rin nito ang iba pang kanta sa kan­yang album, tulad ng Akala Mo Lang ‘Yon, Ikaw ang Pag-ibig, Doon Lang, at limang minus one tracks. Lahat ito ay komposisyon ni Edith Gal­lar­­do. Prodyus ang album niya ni Margot Gallardo na ipinamamahagi nationwide ng Ivory Music and Video.

Maaaring hindi maipagkakapuri ni Herbert C ang kanyang nakaraan pero marami na siyang natulu­ngang tao para maipagpatuloy muli ang kanilang buhay. Gumagawa rin siya ng charity works at sa kasalukuyan ay kinikilala at iginagalang sa kanyang komunidad. Maaaring marami ang naiintriga sa tunay na katauhan ni Herbert C pero hindi naman niya ito itatago habambuhay. Soon enough ay ire-reveal niya ang kanyang true identity.

Kris binabantayan kung magkakamali uli

Hindi pa nga nailalabas ni Kris Aquino ang pa­ngalan ng lalaking nai-involve sa kanya ngayon na isa sa mga pinagdududahan ay ang gobernador ng Bataan na si Abet Garcia ay sinasabi na agad na ginagamit siya nito para sa political career.

Sa ganitong akusasyon, tama lang marahil si Kris na tuluyan nang itago ang katauhan ng bagong lalaking nagpapaligaya sa kanya ngayon dahil baka mapagbintangan pa ito ng kung anu-ano pa.

Pero no choice naman talaga si Kris kundi ang pa­­kinggan ang sinasabi ng marami. Ayaw nilang magkamali siyang muli. Pero sa katayuan niya ay pu­puwede ba ito? Hindi kaya lahat ng lalaking manli­gaw sa kanya ay hanapan ng motibo bukod sa pagmamahal?

 

vuukle comment

ABET GARCIA

HERBERT C

MAJA

NIYA

PERO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with