^

PSN Showbiz

Gretchen inirarampa ang mga Hermes bag sa London

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa London, England nagpalipas ng birthday si Gretchen Barretto kasama ang kanyang partner na si Mr. Tonyboy Cojuangco.

Sa London nag-aaral ang nag-iisang anak nina Gretchen and Mr. Cojuangco na si Dominique kaya madalas ang mag-partner doon.

Sa mga litratong inilalagay ni Ms. Gretchen sa kanyang Instagram account, makikita kung gaano siya kasaya lalo na nang dalhan siya ng cake ng anak sa kanilang hotel at kantahan siya ng mag-ama ng happy birthday.

Kita rin kung gaano ka-fashionista ni Greta sa mga suot at gamit niyang Hermes bag habang iniikot ang London.

Wala nang bakas na hindi pa sila nagkakaayos ng kanyang ina at kapatid na si Claudine.

Wala pa ring nababanggit kung kailan na sisimulan ang gagawin nilang pelikula ni Richard Gomez with John Lloyd Cruz and Jessy Mendiola.

KC ipinangangalandakan ang ‘relasyon’ kay Paulo

Ipinangangalandakan ni KC Concepcion sa kanyang Instagram account na crush niya si Paulo Avelino kahit kasalukuyan siyang nasa New York at nag-aaral ng acting. Cover ng Cosmopolitan Philippines ang pino-post na picture ni Paulo sa Instagram ni KC.

Balitang magkarelasyon na ang dalawa kaya ganun na lang ang pagpo-promote ni KC ng magazine na cover ang actor na nauna nang umamin na tuloy ang communication nila at inspirado siya ngayon dahil kay KC.

May plano kayang dumalaw si Paulo kay KC sa New York?

May US visa na kaya ang aktor?

Ang kuwento, tatlong beses na siyang na-deny nang mag-apply ng US visa.

Pero parang naalala ko na nag-Amerika na siya last year.

Una siyang na-deny nang sana ay lilipad siya sa pa-Amerika para samahan ang manganganak noon na si LJ Reyes.

Coco sinagot na ang lihim nila ni Julia

Eere na sa Lunes ang tinaguriang master teleserye ng ABS-CBN na Ikaw Lamang.

 Tampok sa Ikaw Lamang ang kauna-unahang pagtatambal ng Hari at Prinsesa ng Teleserye na sina Coco Martin at Kim Chiu, kasama sina Jake Cuenca at Julia Montes.

Bahagi rin ng powerhouse cast ng pinakabagong primetime teleserye ng Kapamilya Network ang multi-awarded actors na sina Ronaldo Valdez, Tirso Cruz III, Cherry Pie Picache, Cherie Gil, John Estrada, Daria Ramirez, Meryl Soriano, Spanky Manikan, at Lester Llansang.

Ang  Ikaw Lamang ay iikot sa kuwento ng anak ng isang masipag na sakada na si Samuel (Coco) na iibig sa anak-mayaman na si Isabelle (Kim). Sa kabila ng matagal na pagkakawalay, muling pagtatagpuin ng tadhana sina Samuel at Isabelle upang ipagpatuloy ang naudlot nilang pagmamahalan.

Hanggang kailan kayang maghintay ng taong na­ngungulila para sa kanyang kaisa-isang iniibig? Kaya ba ng panahon na burahin ang tunay na nilalaman ng puso o lalo ba nitong patitibayin ang ugnayan ng dalawang taong handang isakripisyo ang lahat para sa isa’t isa?

Sa ilalim ng direksiyon nina Direk Malu Sevilla at Avel Sunpongco, ang Ikaw Lamang ay ang pinaka­bagong obra ng Dreamscape Entertainment Television, ang grupong lumikha ng Juan dela Cruz, Ina Kapatid Anak, ang phenomenal drama series na pinagtambalan nina Coco at Julia na Walang Hanggan, at ang unang teleser­yeng pinagsamahan nina Coco, Jake, at Kim na Ta­yong Dalawa.

Samantala, kuyang-kuya ang dating ni Coco kay Julia. Pareho raw kasi sila nang pinagmulan at ginagampanang responsibilidad sa kanilang pamilya. Hindi raw totoong may lihim silang relasyon.

“Work po muna. At sa ganitong opportunity po, dapat talagang mag-focus muna sa work,” bungad ni Julia.

Say naman ni Coco, ang nakikita lang daw siguro ng mga tao sa kanila ay chemistry.

“Siyempre, hindi naman nila alam kung ano kami ’pag wala kami sa camera bilang magkaibigan. Actually, ’yun nga, parang masyado akong nagiging kuya kapag magkasama kaming dalawa,” sabi ng aktor.

So, ano talaga ang meron?

“Kaibigan. Kuya? Medyo mahaba na rin kasi talaga (ang pinagsamahan). Before Walang Hanggan pa, magkakilala na kami ni Julia, magkaibigan na kami, pati si lola, parang pamilya na kami,” pagkaklaro ng aktor.

vuukle comment

AMERIKA

AVEL SUNPONGCO

BEFORE WALANG HANGGAN

IKAW LAMANG

INSTAGRAM

JULIA

NEW YORK

PAULO

SA LONDON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with