^

PSN Showbiz

Aiza dinaig ang mga tunay na lalaki sa ginawang proposal kay Liza

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Daig pa pala ang tunay na men ni Aiza Sequerra sa ginawa niyang proposal sa girlfriend na si Liza Dino na naganap last week sa kalagitnaan ng stage play na Kung Paano Maghiwalay sa Teatro Hermogenes Ylagan sa UP Diliman.

Si Aiza pala ang producer ng nasabing play at nag-effort na makipagkutsabahan sa mga taga-UP para hindi mabuking na siya ang may pakana ng play para nga makapag-propose kay Liza.

Kaya naman nakalutang pa hanggang ngayon ang bride to be na kasama ni Aiza kahapon sa presscon ng Valentine Concert ng groom to be na Journey of Love sa March 1 na gaganapin sa Resorts World Hotel.

Effort kung effort daw talaga ang ginawa ni Aiza. Kinutsaba niya ang mga professor, dean, at ang mga classmates niya (Liza) para hindi nga mabu­king. Kaya naman sa kalagitnaan ng play nagulantang si Liza at hindi halos makapagsalita.

Doon pala kasi siya unang napanood sa stage play, sa nasabing lugar. “Nu’ng time na ‘yon, parang siguro, hindi mo alam kung kayo o hindi. Hindi naman talaga ako exposed sa same sex relationships. Parang alam ko lang na we’re hanging out everyday and we’re very close!” pag-aalala ni Liza 13 years ago sa relasyon nila noon.

Pero naghiwalay daw sila noon dahil meron siyang iba.

Kapalaran na ang nagdala sa kanila nang magkita uli sila na sigurado nang mauuwi sa kasalan.

Saktung-sakto ang kani­lang kuwento sa Araw ng mga Puso bukas.

Kapatid ni Jessy ayaw sa ABS-CBN

Nakatakda nga bang magkaroon ng bagong sibling rivalry sa showbiz ngayong nag-aartista na rin si Pam Mendiola?

The who si Pam? Siya lang naman ang super pretty at sexy na ate ng ABS-CBN young star na si Jessy Mendiola.

Noon pa inaalok na mag-artista si Pam, pero urong-sulong siya hanggang alukin siya ni Atty. Jun Samaniego na i-manage.

Si Atty. Samaniego ang pinakabagong talent manager ngayon sa showbiz. Successful lawyer siya na naisipang magbukas ng talent management agency.

Nang umoo si Pam na magpa-manage kay Atty. Samaniego, isa lang ang request niya, huwag na siyang hanapan pa ng project sa ABS-CBN dahil baka isipin ng mga tao na package-deal sila ni Jessy.

“Siyempre po, baka isipin ng iba na ginagamit ko po si Jessy, ayoko naman pong ganoon. Gusto ko pong pasukin ang showbiz on my own. Hindi ‘yung iisipin ng iba na package-deal kami ng sister ko. Suwerte naman po na nagkakilala nga kami ni Atty. Jun, kaya siya na ang manager ko ngayon,” sey ni Pam.

Ipinasok nga ni Atty. Samaniego sa TV si Pam at kasama na siya sa cast ng Pretty Little Liars, introducing siya sa Pinoy version ng Hollywood TV series na ‘yon na ipalalabas sa TV5.

According to Pam, bawal pang i-reveal kung ano ang role niya roon, pero excited daw siya sa kanyang unang TV show sa Kapatid network.

Magkaiba sila ng TV network ni Jessy, hindi kaya siya pa ang itapat ng TV5 sa kanyang kapatid at magkaroon sila ng sibling rivalry?

 â€œHindi naman po siguro. Iba naman si Jessy at iba ako. Pero at least po, magkaiba kami ng TV network, hindi masasabing package-deal kaming dalawa,” sey ni Pam.

Bukod sa maganda, sexy rin si Pam, kaya tiyak na katulad ni Jessy ay pag-uusapan ang pagpasok niya sa showbiz.

Cristine at Rayver nagkabalikan na?

Nagkabalikan na ba sina Cristine Re­yes and Rayver Cruz?

Ito ang pinag-uusapan ngayon lalo na nga’t nag-post pa si Cristine ng picture nila ng ex na magkasama habang kumakain sa isang restaurant.

Meron din siyang picture na nasa bed at may parang plaster habang katabi si Rayver. Obviously may sakit si Cristine. Wala kasi siyang caption na inilagay.

Kaya nag-a-assume na ngayon na nagkabalikan sila.

Ilang araw din silang nagkasama kamakailan sa Dubai para sa ASAP.                   

vuukle comment

CRISTINE

JESSY

KAYA

NAMAN

PAM

SAMANIEGO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with